JM sinubukang protektahan ng ABS-CBN pero di umubra | Bandera

JM sinubukang protektahan ng ABS-CBN pero di umubra

Reggee Bonoan - November 17, 2015 - 02:00 AM

jm guzman

Mismong ang ABS-CBN management ay nanghihinayang kay JM de Guzman. Hangga’t maaari ay ayaw daw ng mga bossing na mawala ang aktor sa seryeng All Of Me.

Kaya pala pina-news blackout ang pagkawala ni JM sa nasabing programa dahil gusto pa ring protektahan ng network ang aktor, pero dahil kung anu-ano na ang pinagpo-post mismo ni JM sa kanyang Instagram account ay nabuking na hindi na talaga siya nagte-taping para sa serye.

Base naman sa pagtatanong namin sa isang executive ng ABS-CBN, inamin nitong gusto nilang pagtakpan si JM, pero hindi na nila kinaya pa, “Actually, may turn about naman din talaga ang istorya ng All Of Me, it’s a 360 degrees na in the end, it will be Albert (Martinez) pa rin, napadali lang because of what happened to JM.

“Sayang talaga kasi JM is really a good actor, we love him dearly, the guy is so nice, malambing, magaling talaga. Pero minsan talaga hindi mo hawak ang pangyayari, eh. Wala namang choice ang mga taga-All Of Me kundi i-let go si JM,” kuwento sa amin.

Nabanggit namin sa a-ming kausap na nakausap namin noon si Albert at sinabi niya na hindi na siya babalik pa sa AOM dahil buo na raw ang istorya at pang-pilot lang siya, “Unless, baguhin nila ang istorya, baka siguro puwedeng bumalik, pero I doubt,” paliwanag pa ni Albert.

At ilang buwan palang ang nakalipas ay heto at balik-All Of Me na si Albert dahil nga tinanggal na si JM. “Actually, alam ni Albert ‘yun, ayaw lang niyang sabihin pa siguro,” mabilis na sagot ng source.

Nabanggit pa sa amin na maaga raw pinapa-pack up si Albert sa taping ng All Of Me kada Tuesday, Thursday at Sa-turday kasi nga segue pa ito sa FPJ’s Ang Probinsiyano ni Coco Martin.

“Para makatulog naman siya ng three to four hours bago siya pumunta sa Ang Probinsiyano tuwing Monday, Wednesday at Friday. So pinakapahinga niya is Sunday, isang araw lang,” sabi pa sa amin.

Nabanggit pa na sobrang propesyonal daw si Albert dahil kapag kinoltaym siya ng 8 a.m., 7 a.m. pa lang ay nasa set na ito at binabasa na ang kanyang script. Maging ang staff ng All Of Me ay kailangang saulo rin ang script dahil marami raw itinatanong ang aktor tungkol sa takbo ng kuwento.

At kung walang aberyang mangyayari ay aabutin hanggang Pebrero, 2016 pa ang All Of Me. Base naman sa pagtatanong namin sa ilang loyal viewers ng All Of Me, marami rin naman ang may gusto na bumalik si Albert sa serye dahil kinikilig din sila sa mga eksena ng aktor at ng Kapamilya actress na si Yen Santos.

Nanghihinayang din daw sila sa pagkawala ni JM sa programa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending