Fans ni Jennylyn inireklamo ang Christmas station ID ng GMA
Napuno ng message ang Twitter account namin galing sa loyalistang supporters ni Jennylyn Mercado, tanong nila “Bakit po hindi kasama si Jen sa Christmas Station ID ng GMA?”
Siyempre bossing Ervin wala naman kaming ideya rito dahil bihira kaming makapanood sa GMA kaya nagtanong kami sa mga kakilala namin doon.
Sabi sa amin, “Hindi available si Jen nang nag-shoot sila ng station ID, pero after ng Starstruck, kukunan na.”
Dagdag pa, “Isisingit na lang siya (Jennylyn), pati nga sina Regine (Velasquez) at Nora (Aunor) ngayon (Biyernes) din kukunan.”
Hindi lang naman sa GMA nangyayari iyan dahil ganyan din ang nangyari noon sa ilang malalaking artista ng ABS-CBN na hindi nakasali sa Christmas station ID dati dahil kaliwa’t kanan ang trabaho pero nagawa pa ring isingit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.