Richard Yap ala-Jet Lee sa Ang Probinsiyano | Bandera

Richard Yap ala-Jet Lee sa Ang Probinsiyano

Reggee Bonoan - November 14, 2015 - 02:00 AM

richard yap

Follow-up ito sa nasulat namin dito sa BANDERA kahapon tungkol sa pagpayag ni Richard Yap na maging kontrabida ni Coco Martin sa Ang Probinsiyano.

Kuwento ng aktor sa ginanap na presscon noong Huwebes, “Nakita ko na it’s something different, very action-packed, mabilis ang story at sobrang ganda ng pagkagawa. So, I wanted to be part of it.”

At dahil hindi nga busy si Ser Chief, “I requested na kung pwede ako masali dito sa Ang Probinsiyano.”
Leader ng sindikato si Richard ng child trafficking at siya pala ‘yung laging kausap ni Arjo Atayde alyas Joaquin na “boss” (hindi ipinapakita ang mukha) nila na nasa likod ng pagkidnap sa mga bata.

Ayon kay Richard ay pinaghandaan niya ang bago niyang papel, “I’ve been watching kontrabida na movies and serye but I’ve been watching the foreign ones also. Kasi action type ‘to, eh. So I want to find a level na medyo mas angat.”

Hindi naman daw nababahala si Richard sa magiging reaksyon ng fans sa kanyang bagong papel na nasanay na sa kanya bilang mabait at lover boy, “Sabi nila, kahit na raw naging head ako ng sindikato, sasama na lang daw sila.

Well, this is a challenge for me kasi I don’t want to be stereotype na itong role lang na ito ang puwede kong gawin, good guy role. “So I want to challenge myself, I want to learn also from the other actors, kung paano gawin as a kontrabida kasi iba ‘yung atake rin dito, eh. Iba ‘yung mindset mo.

Actually, mas stressful siya. It’s really something different but I want to do it because I want to challenge myself, I want to improve myself in my craft,” paliwanag ni Richard as Mr. Tang sa serye ni Coco.

At ang peg daw ni Richard sa pagiging kontrabida at action star, “Si Jet Lee. If you watch him du’n sa ‘Lethal Weapon 4’, parang ganu’n yung role ko.”

Base sa trailer ng Ang Probinsiyano kung saan may action scene si Richard ay napansin naming mabilis na siyang kumilos at may mga sipa-sipa na siya kumpara noon sa Wansapanataym: My Kung Fu Chinito na halatang meron siyang kadobol.

Kuwento ni Richard, “We’ve taken a few actions scenes already pero hindi pa napapalabas. Pero hindi pa kami nagkakasagupaan. It’s actually very physical also. So I might play a bad guy here, next time baka balik tayo sa good guy, so it depends.

It might be romance next time, it might be comedy, it might be action, so we’ll try everything first and then we’ll se how it goes.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending