Gabrielle C nasasaktan pag ikinukumpara kay KC: Pero dedma na lang po!
Nasa Warner Music Philippines na si Garrie Concepcion, ang anak ni Gabby Concepcion kay Grace Ibuna na ikalawang panganay naman ng aktor.
Si KC Concepcion ang unang anak ni Gabby kay Sharon Cuneta na sinundan ni Garrie at ikatlo naman si Chloe Syquia sa nanay nitong si Jenny Syquia at ang ikaapat at ikalima ay sina Samantha Alexis at Savanna sa kasalukuyang asawa nitong si Genevieve Yatco Gonzales.
Kasabay ng pagpirma ni Garrie sa Warner Music Philippines ay binago rin ng manager niyang si Joed Serrano ang screen name ng dalaga, magiging Gabrielle C. na siya ngayon.
Ang paliwanag dito ni Gabrielle ay para magkaroon siya ng sarili niyang identity at hindi nakikilala o natatandaan bilang kapatid ni KC lalo’t parati siyang ikinukumpara sa kanyang half-sister na hindi naman din maiiwasan.
Sa ginanap na contract signing ay inamin ni Gabrielle na nasasaktan siya sa mga namba-bash sa kaniya at sa pagkukumpara kay KC kaya hindi na lang daw niya binabasa at pinapansin ang mga nagsasabing mas artistahin, mas talented at mas maganda ang boses ng ate KC niya.
Sabi nga ni Gabrielle, “I can’t please everyone, that’s just how it is. If people appreciate me and love me, I’ll love them back; if not, I’ll respect them either way.”
Oo nga naman, naniniwala kami na may kayang gawin si KC na hindi kaya ni Gabrielle at may mga bagay na kayang gawin ni Gabrielle na siguradong hindi keri ng panganay na anak ni Gabby.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.