John Prats: Gusto kong tularan si Aga Muhlach!
Ibang-iba na ang aura ngayon ni John Prats nang makatsikahan namin pagkatapos ng question and answer portion sa presscon ng Banana Sundae dahil aminadong excited na siya sa sa paglabas ng panganay nila ni Isabel Oli.
As of now ay hindi pa alam nina John at Isabel ang gender ng panganay nila dahil apat na buwan palang itong nasa sinapupunan kaya gusto na nilang hilahin ang Disyembre para malaman kung babae o lalaki ang first baby nila.
Kuwento ni John, “Ang saya ng feeling, grabe, darating pala ako sa buhay ko na nandito na ako, kasi for the longest time, ang dami kong pinagdaanan, parang struggle ko siya, kasi lagi akong nadya-judge na iba na naman girlfriend ko, darating pala talaga sa point ng buhay ko na magse-settle ako.
Ang sarap ng feeling ng ganu’n na wala na akong ibang iniisip kundi ang pamilya ko na.” Nakabukod na raw sina John at Isabel ngayon sa kanilang mga pamilya, “Malapit lang din sa parents, pero magkahiwalay ng bahay, so we have our little home na at malaki ang nabago kasi dati nu’ng ako lang ang mag-isa sa bahay, maski anong gawin ko okay lang, iwan ko lang ‘yung shorts ko diyan, ok lang, ngayon may ano na, (may sumisita).
“Kasi siya (Isabel), very organized, like sa banyo, ‘yung towel dapat maayos hindi ‘yung dapat nakasampay lang, dapat pantay-pantay ang pagkakatiklop. So isa ‘yun sa mga adjustment ko kasi hindi ko na solo, may kasama na ako,” kuwento pa ni John.
Maging sa pagtulog daw ay nag-adjust si John dahil nakasanayan na niya na bago siya matulog ay nanonood ng TV o DVD, e, ayaw daw ni Isabel ng maingay kaya gumagamit na lang ang aktor ng headphone.
Patapos palang sa paglilihi si Isabel at ang napaglihian daw ng aktres, “Yakima udon (noodles), rice toppings, Japanese food na may beef, ‘iyon ang comfort food niya.”
At nabanggit din ni John na timing lahat ang pag-aasawa niya tulad ng nangyari sa idol niyang si Aga Muhlach, “Noon pa naman talaga idol ko na si kuya Aga, noon pa sabi nila, hawig ko raw siya, tapos singgaling ko ring sumayaw, puwede nga.
“Tapos bago siya nag-asawa, marami na siyang achievements so parang siya ‘yung naging peg ko sa pag-aasawa. Kasi nasa 30 plus na rin siya nang mag-asawa, ako ganu’n din. Tapos ngayon tahimik ang buhay niya, so ganu’n ang gusto ko rin,” kuwento ni John.
Going back to Banana Sundae ay natanong namin si John kung wala bang agam-agam siyang naramdaman bilang original cast ng Banana Split ay may mga bagong dumarating na baka matabunan sila.
“Well, hindi, eh. Kasi sa amin sa Banana Split, everything is welcome basta nakitaan namin ng (potential) like si JC (de Vera), ang bilis nga ng panahon, mag-one year na pala siya.
Mga eight months na siya sa BS and he started as guest and then naging regular na siya. Tapos ngayon kasama na rin namin si Jessy (Mendiola),” kuwento ng aktor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.