Mga litrato ng ‘mystery girl’ sa buhay ni Sam kumalat sa internet
NANG aminin ni Sam Milby na may dini-date siya sa nakaraang presscon ng “The Milby Way” concert ay isinulat namin dito sa BANDERA ang ilang detalye tungkol sa kanyang mystery girl.
May followers ang aktor na nagpadala sa amin ng link sa social media tungkol sa girl. Nalaman naming
Mari Jasmine ang name nito, may kalakip din itong litrato. Ang ganda ni Mari Jasmine bossing Ervin at wala pala siyang lahing Pinay dahil ayon mismo sa nakatsikahan naming supporter ng dalawa ay, “Just wanna confirm that Mari is Japanese-Australian, she is of no Filipino blood. She went here 3 years ago and stayed ever since. She is really kind once you meet her, Sam is really lucky.”
Dagdag pa ng aming source, “Also you might wanna watch Etcetera on ETC Channel tonight (kagabi) at 9 p.m., Mari is one of the host there.”
Speaking of Sam, pormal nang inanunsyo ng Dreamscape Entertainment ang pagpasok ng aktor bilang leading man ni Julia Montes sa Doble Kara na napapanood sa Kapamilya Gold noong Miyerkules ng gabi sa Dong Juan Restaurant. Winelkam ni Julia si Sam base sa ipinakitang video at sinabi nga nitong first time silang magkakatrabaho ng aktor. May chemistry pala sina Sam at Julia at hindi halatang 11 years ang agwat ng edad nila, 31 si Sam at 20 naman si Julia.
Posible bang ma-in love si Sam sa tulad ni Julia, “Yes, depende (for example) I’m 35 now and she’s 25 puwede for me, but if I’m 25 and she’s 15, it’s too young parang hindi naman puwede. It really depends on the person, like maturity, there’s good connection, love knows no boundaries even with age and that’s the truth, so puwede,” paliwanag ng aktor.
Samantala, gagampanan ni Sam ang papel na seminarista sa Doble Kara pero hindi siya matutuloy sa pagiging maging pari dahil mai-in love siya kay Julia sa kwento.
Nang tanungin namin si Sam kung sino si Mari Jasmine sa buhay niya, medyo natigilan muna ang aktor sabay sabing, “Basta pagdating sa kung sinuman ang inspiration ko, ayoko pang i-share kasi masyado pang early, masyado pang maaga, I’d rather not talk about it. I hope you understand.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.