Maja, Bela talbog kay Onyok sa Ang Probinsiyano
NAALIW kami sa avid viewers ng seryeng Ang Probinsiyano sa ABS-CBN Primetime Bida dahil mas pinag-uusapan pa nila ang mag-partner na Cardo (Coco Martin) at Simon “Onyok” Pineda kesa sa dalawang leading lady ng Teleserye King.
Susme, natabunan na si Bela Padilla bilang asawa ng aktor, at mabuti na lang laging may eksena rin sina Maja Salvador at Onyok kaya nababanggit pa rin ang pangalan ng aktres.
Click na clik ang tamba-lan nina Cardo at Onyok kaya hindi na kam magtataka kung may follow-up project agad project dalawa pagkatapos ng Ang Probinsiyano kaya ang suhestiyon namin, sana ang bagets ang kuning Ding sa “Darna” project ng Star Ci-nema.
Pero naisip din namin na baka malabo itong mangyari dahil nakatitiyak kaming hindi siya agad pakakawalan ng Dreamscape Entertainment na siyang nasa likod ng highest-rating serye ngayon ng Dos.
Speaking of Coco, nagdiwang siya ng kaarawan noong Nov. 1 at ang birthday wish ng binata ay hindi na para sa kanyang sarili kundi para sa lahat – nais niya ng peace at good health para sa lahat ng mga Pinoy.
Oo nga, halos na kay Coco na ang lahat, girlfriend na lang ang kulang para kumpleto na. Pero sabi naman ng taong nakakakilala sa Teleseye King, “Ayaw muna niya kasi gusto niyang magtrabaho muna para kapag handa na siyang magkaroon ng girlfriend, doon na ang atensyon niya.
At gusto niya kung sino ang liligawan niya yun na rin ang mapapangasawa niya.” Nalaman din namin na may ibang bahay pa uling i-pinagagawa ngayon si Coco pero hindi binanggit ng nagkuwento kung para kanino ang nasabing property.
Hirit namin sa aming source, “May bahay na siya, di ba? Kasama niya ang pamilya niya roon, kaya para saan pa ulit ang isa pang bahay na i-pinatatayo niya?” Sagot sa amin, “Siyempre hindi naman puwedeng kasama niya ang mga kapatid niya kapag nag-asawa siya.”
Hmmmm, kaya pala nagsisipag ulit si Coco para sa another mansion? Samantala, sinorpresa rin ni Vice Ganda ang kayang bestie na si Coco noong kaarawan nito.
Sa shooting ng movie nilang “Beauty And The Bestie” na official entry sa 2015 MMFF, nagulat na lang si Coco nang biglang may sumugod na babae sa kanyang dressing room.
Nagsasayaw ito sa harap niya habang kumakanta ng “Happy Birthday” ang mga kasamahan nila sa set.
Ito pala ‘yung sikat na sikat sa social media ngayon na si Ely Rose Boñales na nag-viral ang video dahil sa pagsasayaw sa pinagtatrabahuang restaurant bilang bahagi ng kanilang birthday treat sa mga customer na nagse-celebrate ng kaarawan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.