Kris binu-bully ng Netizens dahil sa isyu ng ‘Laglag Bala’ sa NAIA
Balik-trabaho na si Kris Aquino kahapon sa Kris TV nag-taping naman kinahapunan para sa episode ng Huwebes at Biyernes na ipalalabas sa nasabing programa.
Magiging abala na ang Queen of All Media sa shooting ng “All We Need Is Pag-Ibig” kasama si Derek Ramsay sa Huwebes hanggang Sabado mula sa direksyon ni Antoinette Jadaone under Star Cinema na entry sa 2015 Metro Manila Film Festival.
Malaking tulong ang isang linggong pagbabakasyon ni Kris kasama ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby sa Hawaii dahil naging normal ang blood pressure niya.
Laging ina-update ni Kris sa mga ate niya ang kanyang blood pressure na normal naman kaya handang-handa na siyang mag-trabaho ulit.
Sabi ni Kris sa kanyang Instagram account, “I benefited so much from the fresh air, regular brisk walking & of course the ‘Aloha’ vibe.”
Pero mukhang na-stress na naman si Kris dahil sa post ng netizens sa IG account niya tungkol sa latest issue ngayon sa NAIA na “tanim bala”, inuutusan kasi siya ng mga ito na sabihin kay Presidente Noynoy na resolbahan agad ang nasabing problema.
Sumagot naman si Kris ng, “It’s Handled! Spoke to my brother, I love my brother. I support my brother. I trust my brother. I believe in my brother. And by tomorrow you can start looking for a new issue to bully me about.”
Pabalik pa lang ng Pili-pinas nang i-post ni Kris ang kanyang sagot kaya ang tanong namin, hindi kaya bumalik ang highblood niya?
Anyway, naaliw naman kami sa post ng personal assistant ni Kris na si Alvin Gagui tungkol kay Prada, ang bichon fries dog na alaga nila dahil kinunan siyang tulog na tulog na may caption na, “Wake up na!
Parating na sina madam hindi ka pa naliligo! Siguro nag Halloween Party ka kagabi?” At may nagtanong kung bakit tumaba nang husto ngayon si Prada na sinagot naman ni Alvin ng, “Walang ginawa kundi matulog!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.