Matapos makunan ng 2 beses, Mariel buntis uli?
Buntis ba ulit si Mariel Rodriguez-Padilla? Kaya namin ito naitanong ay dahil napanood namin ang pagpasok ulit niya sa Bahay ni Kuya bilang guest celebrity housemate noong Sabado ng gabi at napansin naming medyo malaki ang tummy niya o dahil medyo maluwag lang ang suot niyang palda?
Nakakadalawang miscarriage na si Mariel at ang huli ay kambal pa kaya kung sakaling buntis ulit ang magandang misis ni Robin Padilla ay sana tuluy-tuloy na.
Hindi bale, ilang gabi ring mapapanood si Mariel sa loob ng Pinoy Big Brother house kaya maoobserbahan namin kung buntis siya o hindi.
Samantala, natuwa kami nang muling tumuntong si Mariel sa PBB, sana tuluy-tuloy na ang pagbalik niya sa ABS-CBN para sa mga susunod na seasons ng reality show ng Dos ay mabuo ulit sila nina Bianca Gonzales-Intal at Toni Gonzaga-Soriano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.