Mariel pinabalik ng ABS-CBN sa 10th anniversary ng PBB
MATAGAL nang ipinapakita sa Pinoy Big Brother ang teaser ng pagbabalik ng isang kilalang celebrity na naging bahagi rin ng programa noon, at abangan daw ito sa Sabado (kagabi).
Sa ipinakitang clue na buhok ng isang babae na naka-headband – ang hula namin ay si Mariel Rodriguez-Padilla ito. Ipinagtanong namin ito sa taga-PBB at inamin naman sa amin, “Yes, for the anniversary lang, dadalaw siya para bumati.”
Sa totoo lang bossing Ervin, natuwa kami sa pagdalaw ni Mariel sa PBB dahil isa naman talaga siya sa original hosts ng programa kasama nina Toni Gonzaga at Bianca Gonzales-Intal.
Binalikan namin ng tanong ang kausap naming taga-PBB kung hindi ba nila inalok na bumalik na ng ABS-CBN si Mariel, “Management ang may decision no’n, for now, PBB anniversary lang muna siya, but I’m also hoping na sana makabalik na siya,” sabi sa amin.
Base naman sa pagtatanong namin sa TV5 ay may kontrata si Mariel sa Kapatid network at sa katunayan ay babalik daw ang misis ni Robin Padilla sa Happy Truck Ng Bayan sa ikalawang linggo ng Nobyembre pagkatapos ng tatlong buwang pagkawala.
Nagbakasyon ang TV host sa Spain matapos makunan kasama si Robin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.