Derek Ramsay nakakontrata pa sa TV5 kaya imposibleng lumipat sa GMA | Bandera

Derek Ramsay nakakontrata pa sa TV5 kaya imposibleng lumipat sa GMA

Reggee Bonoan - November 01, 2015 - 02:00 AM

derek ramsay

Itinanggi ng isang TV5 executive na aalis na si Derek Ramsay sa Kapatid network. Kamakailan lang ay nabalitang lilipat na ang hunk actor sa GMA 7.

Sabi mismo ng kausap naming taga-TV5, “Kakapirma lang ni Derek this year at three years contract ‘yun, meaning ‘til 2018 pa siya.”

Kung ganu’n, saan nanggaling ang tsikang lilipat si Derek sa Siyete, “Siguro akala ng iba porke’t wala ng shows na produced ng TV5, akala hindi na bibigyan ng shows si Derek, e, naka-guaranteed siya sa amin.

Though puwede naman siyang mag-guest sa ibang network,” pahayag ng aming kausap. Baka nga, pero kung sakaling aalis nga si Derek sa TV5 malamang na sa ABS-CBN ang balik niya dahil dito siya sumikat at nakakatuntong na ulit siya sa Kapamilya network, gumawa na nga siya ng pelikula sa Star Cinema kasama si Coleen Garcia, ang “Ex With Benefits” na certified blockbuster.

Samanala, may nagtsika rin sa amin na pagkatapos mag-shoot ni Derek ng “All We Need Is Pag-ibig” na entry sa 2015 Metro Manila Film Festival sa December ay uumpisahan na ng aktor ang pelikulang pagsasamahan nila ni Bea Alonzo sa Star Cinema at sa ikalawang quarter ng 2016 naman daw ito ipalalabas.

Sa madaling salita, lifted na ang ban kay Derek sa ABS-CBN dahil napapadalas na ang pagtuntong ng aktor sa Kapamilya network.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending