Angel kilala na ang susunod na Darna, binigyan ng payo
MISMONG si Angel Locsin ang nagkumpirma na may napili na ang ABS-CBN at Star Cinema na bagong gaganap na Darna sa movie version nito.
Kamakailan ay naglabas ng joint statement ang Kapamilya network at ang kampo ni Angel na hindi na itutuloy ng aktres ang pagsasapelikula muli ng “Darna” dahil nga sa disc bulge sa kanyang spine.
Pinayuhan siya ng doktor na huwag na munang magpakapagod sa trabaho para hindi lumala ang kanyang sakit.
Sa Instagram account ng girlfriend ni Luis Manzano, tila kinumpirma na nito na may nahanap nang kapalit ang Star Cinema na siyang susunod na lulunok ng bato ng pinakasikat na Pinay superhero.
Ayon sa Instagram post ni Angel, “And I hope and pray that you will give the same amount of love and support to the new Darna. Rest assured that ABS CBN has already chosen the perfect person to fill in Darna’s boots. 🙂 Again, thank you.”
Hindi diretsong binanggit ni Angel kung sino ang papalit sa kanya bilang Darna, pero maugong ang pangalan ni Liza Soberano na siyang susunod na Darna, ngunit wala pang kumpirmasyon ang kampo ng dalaga tungkol dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.