Kim payag magpaka-daring: Oo naman, sexy talaga ako!
Ang galing ng financial adviser ni Kim Chiu dahil alam niya kung saan niya ilalagak ang kinikita niya habang mainit pa siya sa showbiz na mapapakinabangan niya pagdating ng panahon.
Sa bagong ineendorsong produkto ni Kim na FatOut ay isa siya sa business partner ng ATC Healthcare na pag-aari ni Albert T. Chua and at the same time ay endorser din ang aktres nitong Colon Cleasing Food Supplement.
Sabi nga ni Kim sa ginanap na launching at contract signing, “Business partner ako dito with a good cause. Kasi lahat ng proceeds ay mapupunta sa selected foundation ko and sa ATC Foundation. Pumayat ka na, nakatulong ka pa sa ibang tao.”
Ikalawang endorsement na ito ni Kim tungkol sa kalusugan, “’Yung una ay parang campaign lang na Win Against Asthma at ito namang FatOut, supplement siya at talagang sinubukan ko at effective talaga, talagang se-sexy ka,” sabi nito.
Sexy ba talaga ang tingin ni Kim sa sarili, “Oo naman, sexy ako talaga. Oo naman, ganu’n talaga sagot! Ha-hahaha! Ang sexy naman is not about the skin na ipinapakita mo, eh. It’s how you express yourself in a sexy way. Kung iisipin mong sexy ka, lalabas ‘yun.”
At dahil confident na si Kim sa kanyang sexy body ay puwede na siyang tumanggap ng daring role? “Depende po sa kung ano ang idudulot kong maganda, kung makaka-inspire po tayo sa ibang tao, depende sa tatanggapin nating role.
“Siyempre, TV personality tayo, maraming taong naglu-look up sa atin and siyempre may moral obligation tayo sa mga tao. Kung ‘yung kaseksihan mong ‘yun ay makaka-inspire sa mga tao, gagawin ko,” katwiran niya sa amin.
Kung matutuloy ang movie project nila ni Piolo Pascual at kailangan ng sexy scene, okay ba sa kanya? “Isang sequence lang naman siguro ‘yun, so bakit naman hindi since 10 years ko na (sa showbiz) next year. Tingnan natin,” nakangiting sagot ng aktres.
Sabi ni Kim ay safe na safe gamitin ang FatOut.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.