Fans nina Sam at Jen may hiling kay Mother Lily
HOW true, labis ang kasiyahan ngayon ng Regal Films Matriarch na si Mother Lily Monteverde dahil nagdagdag ng sinehan ang “The PreNup”?
Ang dating 130 sinehan ay naging 145 na kaya “still counting” ang kinikita ng pelikula nina Sam Milby at Jennylyn Mercado.
Dagdag ng aming source, kaya raw masaya si Mother Lily ay dahil ngayon lang ulit siya nakaranas na kumita nang malaki ang kanyang pelikula, hindi naman kasi itinatago ng Regal na hindi kumita ang ilang pelikula nila.
Kuwento pa sa amin, “Napawi ang pagod ng grupo sa New York (USA) dahil hindi biro ang inabot nilang hirap doon. May mga taong kasama sa production ang hindi nakasama dahil hindi lumabas ang Visa kaya technically, sila-sila lang doon at ngaragan pa.”
Pero in fairness, maganda ang mga eksenang kinunan sa New York sa totoo lang at ito rin ang gustong mapanood ng mga hindi pa nakakapanood ng pelikula. Bukod sa mga kilig scenes nina Sam at Jennylyn ay nakaka-in love rin ang mga lugar na ginamit sa pelikula.
Sayang lang at hindi napuntahan nina Sam at Jen ang Statue of Liberty para more sweet moments sana nila sa movie. Mas kumpleto sana ang background sa pelikula.
As expected, iisa ang komento ng mga nakapanood sa “PreNup”, ang galing ni Jen magpatawa at ang guwapo ni Sam at bagay na bagay sila.
Anyway, naniniwala kami na tumatabo ngayon sa takilya ang bagong pelikula ng Regal dahil sa word of mouth. Mas marami ang gustong makapanood ngayon sa nasabing movie dahil sa papuri ng mga netizen na nagandahan sa pelikula.
Kaya masayang-masaya ang Regal producers na sina Mother Lily at anak nitong si Roselle Monteverde-Teo kasama na rin ang buong cast at ang director na si Jun Lana.
Request naman ng mga fans nina Sam at Jen, sana raw ay bigyan agad ni Mother ng follow-up project ang dalawa habang mainit pa ang kanilang tambalan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.