Kris vs Bistek: Sino nga ba ang nagsisinungaling? | Bandera

Kris vs Bistek: Sino nga ba ang nagsisinungaling?

Ambet Nabus |October 14,2015
facebook
share this

Kris vs Bistek: Sino nga ba ang nagsisinungaling?

Ambet Nabus - October 14, 2015 - 02:00 AM

kris aquino

Napag-uusapan na rin lang si Kris Aquino (kahit utang-uta na kami. Ha-hahaha!), nais lang ipahatid ng a-ming close friend na nasa kampo ni Q.C. Mayor Herbert Bautista na “her words against his words” na raw ang labanan ngayon ng dalawa.

May kinalaman ito sa sinabi ni Kris na hindi totoong siya ang nagsabi kay pareng Bistek na tumakbo na lang muli sa pagka-mayor ng Q.C. sa 2016.

Tahasan ngang dinenay ni Kris na wala siyang kinalaman sa desisyon ni Herbert na mag-seek ng re-election as Mayor at mas lalo raw na hindi siya ang nagprisinta ditong mapasama sa posibleng Senatorial line-up ng partido ng Pangulo niyang kapatid, kundi si mismong ang alkalde.

Sa isang panayam kasi ay tinuran ni Mayor Bistek na pinayuhan siya ni Kris na muling mag-Mayor sa Q.C. kesa maging Senador sa 2016. Pero kung sakali raw na mas gusto nga nitong maging senador eh, nandiyan lang ang aktres-TV host para tumulong.

Pero nagbago na nga ng isip si Bistek after daw nitong kumunsulta sa mga kapa-milya niya, supporters and constituents-advisers.

Ang mga ito ay dinenay ni Kris kaya’t mayroon na namang isyu sa pagitan nila ng aktor-politiko, “Hay, malamang na nagkaroon na naman ng matinding tampuhan o away o selosan ang mga iyan,” sey ng isang very close friend nilang pareho.

Kaya ang ending, ang sinasabing MMFF movie na dapat ay pagsasamahan nila under Star Cinema ay “shelved” na lalo pa’t nag-isyu na rin ng statement si Kris na humihingi siya ng apology sa Star Cinema people particular kay Ms. Malou Santos.

Binanggit pa ni Kris na nalagay pa sa alanganin ang 20-year “very good relationship” niya sa Star Cinema nang dahil dito.

Hindi kasi binibili ng marami ang excuse ni Kris na ang paborito niyang “cinematographer” ang dahilan kung bakit ayaw na niyang gawin ang project.

Hindi raw kasi pumuwede ang schedule nito sa shooting. Hindi na talaga tayo nadala sa mga style ni Kris, no! Ha-hahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending