Nabuking ni Kris: Best host trophy ni Luis nakadispley sa bahay ni Jennylyn
Speaking of Kris TV, maraming viewers ang nagandahan at na-impress sa simple pero napakagandang bahay ni Jennylyn, lalo na sa kanyang kwarto na medyo masculine ang style.
Ayon kay Jen, makikita raw sa room niya ang kanyang personality, at kaya raw mukhang kwarto ng lalaki ito ay dahil sporty din siya at mahilig makipag-compete sa mga sports acti-vities.
Sa katunayan may nakasabit pang bisekleta sa kwarto niya na madalas niyang gamitin. Tawa naman nang tawa si Jennylyn nang mabuking ni Kris na nasa bahay pa niya (naka-display) ang isang trophy ng ex-boyfriend niyang si Luis Manzano.
Ito raw ‘yung tropeo ni Luis mula sa 2013 Aliw Awards kung saan nanalo siyang Best Emcee (Male).
Depensa ng aktres nang tanungin ni Kris kung bakit nasa kanya ang tropy ni Luis, hindi raw kasi nakarating sa awards night ang TV host-comedian kaya siya ang tumanggap nito dahil nandoon naman siya sa event.
“Ms. Kris hindi akin ‘yan. Kay Luis ‘yan. Nailagay ko lang diyan kasi nakalimutan kong ibigay sa kanya.
“Kasi ganito yan inabot ko yung kay Ryzza Mae yung isa, kasi ako lang yung nakarating sa event na yan.
I-nabot sa akin tapos nakalimutan kong ibigay sa kanya hanggang sa wala na. Tapos nakita ko na lang dinispley ng mama ko diyan. Sabi ko ‘Mama, hindi sa akin yan,'” tawa nang tawang pahayag ni Jen.
Sabi naman ni Kris, siya na lang daw ang magbibigay ng trophy kay Luis dahil kapitbahay lang daw niya ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.