JM de Guzman hiniwalayan na ni Jessy; tsutsugihin sa All Of Me | Bandera

JM de Guzman hiniwalayan na ni Jessy; tsutsugihin sa All Of Me

Reggee Bonoan |September 14,2015
facebook
share this

JM de Guzman hiniwalayan na ni Jessy; tsutsugihin sa All Of Me

Reggee Bonoan - September 14, 2015 - 02:00 AM

jm de guzman

Speaking of Jessy, balitang hiwalay na raw uli sila ni JM de Guzman dahil bumalik na naman ito sa dating gawi. Kailan lang ay nasulat namin na hindi raw totoong problemado ang production ng seryeng All Of Me dahil sa pagiging pasawa ng aktor.

Ayon sa Executive Producer ng programa na si Nars Gulmatico, maayos naman daw ang trabaho ni JM. Pero ayon sa aming source, malamang daw na tanggalin na ang binata sa All Of Me.

Sabi ng nag-text sa amin, “Isa pang alam kong titigukin ay ‘yung bida ng All Of Me, si JM kasi parang wala sa sarili kapag kausap, bukod pa sa parating late.

Si Albert (Martinez) na ang magiging bida at si Aaron (Villaflor).” “Hiwalay na kasi sila ulit ni Jessy (Mendiola) kasi nga nabarkada ulit si JM sa mga taong naging dahilan kaya nagka-problema siya noon,” anang kausap namin.

Tanong namin sa source, akala namin ay okay na sina JM at Jessy, “Nu’ng start ng show (All Of Me), nagbalikan, tapos naghiwalay ulit kasi nga sakit na siya sa ulo.

Abot langit ang problema ng production lalo na ‘yung EP kay JM kaya nagpag-miti-ngan na nga na tanggalin na.”  Bigla kaming nalito bossing Ervin dahil ipinagtanggol pa si JM ng EP ng AOM kaya paano siya tatanggalin?

Ibig sabihin ay pinagtakpan lang si JM? “Bahala ka, parang hindi ka reporter!” panunukso sa amin. Sabi pa, “Sayang nga kasi may show pa at may commercials din, hayun, naka-hold na rin!”

Anyway, gusto pa rin na-ming marinig ang panig ni JM o sinuman sa kampo niya. Samantala, naikuwento naman ng isa naming source na nakita raw si JM sa opisina ng Star Magic noong Biyernes na may meeting kina Mr. Johnny Manahan, Ms. Mariole Alberto at direk Lauren Dyogi habang nasa labas naman ang EP, PM (program manager) at BUH (business unit manager).

Hmmmm, ito kaya ang dahilan kaya hindi dumalo si JM sa Star Magic Ball at maging si Jessy ay hindi rin pumunta para siguro iwas pusoy sila sa lahat ng isyu?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending