Utos ni Joyce Bernal: Angel, Ate Vi bawal mag-usap sa shooting | Bandera

Utos ni Joyce Bernal: Angel, Ate Vi bawal mag-usap sa shooting

Julie Bonifacio - September 12, 2015 - 02:00 AM

vilma santos

WALA pa ring official title ang movie ni Batangas Gov. Vilma Santos kasama ang future-daughter-in-law niya na si Angel Locsin, and Xian Lim directed by Joyce Bernal.

Palagi lang daw nilalagay sa call slip or tag na Vilma-Angel-Xian ang sinu-shoot nila ngayon na pelikula under Star Cinema.

And Although, ang unang kumalat na title nito ay may “caregiver” something. Tiyak na pinag-iisipang mabuti ng creative pool ng Star Cinema ang gagamiting titulo sa much-awaited comeback ni Gov. Vi sa big screen after her successful first indie film na “Extra.”

This time, glamorosa muli ang role ni Gov. Vi sa kanyang latest film, mahigit kalahati na ang nakukunang eksena ng actress-politician.

Biniro nga namin siya kung nagamit ba niya sa mga eksena niya ang kanyang mga nakatagong expensive pieces of jewelry. Tumawa muna si Gov. Vi bago sumagot, “Aba, may ex-deal din kami rito.”

Nag-hire pa ang production ng mahusay na stylist for Gov. Vi para sa kanyang outfits sa movie, “Ang mga suot ko rito iniistaylan talaga na maiba sa pagka-governor. Maiba rin doon sa mga pelikula ko noong araw.”

Last time raw na may very fashionable at nagpe-preside ng meeting ang role niya ay noong gawin niya ang “Sinasamba Kita” at “Kapag Langit Ang Humatol.”

This time, hirap magkwento si Gov. Vi sa istorya ng movie nila ni Angel. Basta ang maise-share niya lang ay mayaman ang role niya at may-ari ng isang malaking building. Habang empleyado naman niya si Angel at anak niya si Xian.

“Alam mo magaling si Direk (Joyce). Kasi hindi siya (Xian) pinapabayaan ni Direk. Ang ibig kong sabihin hindi siya pinapabayaan ni Direk Joyce.”

First time raw niya to be handled by Direk Joyce, “Magaling,” sabi ni Gov. Vi. “Very meticulous, yes, she is. Pero wala siyang ano, cool lang siya. She’s good.

Ako napapa…even ‘yung mga shots niya. And then, we always shoot with two cameras.” Pinagbawalan naman ni Direk Joyce na magkita ang hilaw pa na mag-byenan na sina Gov. Vi at Angel. At ‘yun daw ang gusto ni Gov. Vi na ginawa ni Direk Joyce.

“Like nu’ng first time namin ni Angel na magkaeksena. Kasi empleyado ko lang siya, hindi kami talaga pinag-uusap. Alam mo ‘yung ganoong klaseng motivation? But let Direk explain it.

Hindi niya kami talaga pinag-uusap ni Angel, so, when we meet sa, sa tensyon naming dalawa na, ‘Who are you? What’s your name?’ Parang nandoon, and then, even with Xian na naiwan ko siya.

I think he was seven years old, or five years old? Nu’ng bumalik siya, binata na. Kaya noong first day din namin ni Xian, hindi rin kami pinagkita ni Direk.”

Solo-solo raw sila ni-rehearse ni Direk Joyce sa set ng movie. At magkikita na lang sila nina Angel at Xian kapag magti-take na, “Kaya ‘yung tingin naming dalawa pareho, ano, e, you will feel it. Ganoon mag-motivate si Direk.

Alam mo kaya nga siguro hindi kami pinagkikita ni Direk kasi in a way, we’re comfortable with each other na kasi, alam mo ‘yung ibig ko’ng sabihin?”

Dagdag pa ni Gov. Vi, “Kaya ayaw niya nu’ng ganyang ambience na kapag nagkita kami beso-beso, ayaw niya (Direk Joyce). Gusto niya nandoon ‘yung detachment, ‘yun ang characters.

Kaya hindi niya kami pinag-usap. Kaya maski noong nagkita kami ni Gel, ‘Sorry, Tita.’ Sabi ko, ‘No, no, just don’t talk.”

Inspired sa role ni Meryll Streep sa “The Devil Wears Prada” ang role ni Gov. Vi sa movie nila ni Angel. Pero mas bitchy pa raw siya kesa sa Hollywood actress sa “The Devil Wears Prada.”

Kaya nga raw inspired by “devil” and not by “angel” ang role ni Gov. Vi sa sino-shoot niya na movie, “This is something new. Actually, I’m enjo-ying it.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tsaka ‘yung red lipstick, ‘yung mga ayos, like ‘yung mga salamin ko rito, magmo-model ako ng mga salamin. ‘Yung salamin na may mga gold, may kakaibang design.”

In real life, hindi naman daw siya naging bicthy, “That’s not the word, pero naging ano ako pilya. Kaya siguro kaya ko ring gawin yung karakter. Ha-hahaha!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending