Jay-R, Kris, Billy gumawa ng kanta para kay Mar
Napagdesisyunan ng magkakaibigang Jay R, Kris Lawrence at Billy Crawford na mag-record ng kanta para kay DILG Sec. Mar Roxas na puwedeng magamit nito sa kanyang kampanya.
May titulong “Fast Forward”, may pagka-R&B ang tunog nito na pinagtulungang sulatin ng tatlong magkakaibigan at sinulat naman sa Tagalog ni Vehnee Saturno sa areglo ni Marcus Davis, Jr..
Isang inspirational na kanta ang “Fast Forward” at ipinagdiriwang nito ang kapangyarihan ng bawat Pilipino para sa ikauunlad ng bansa.
Unang napakinggan ang “Fast Forward” sa radyo noong Agosto 1, sa mismong araw ng pag-endorso kay Mar bilang Presidential candidate ng Liberal Party.
“Ito ang aming paraan para ipakita ang aming tiwala at suporta kay Mar bilang Presidential candidate,” sabi ni Billy.Kuwento naman ni Kris, “In producing this song, we hope to help the youth in understanding the importance of their responsibilities as voters.
Hangad namin na ma-realize nila na nasa kanila ang kapangyarihang magdesisyon upang makatotoo ang pagbabago.”
“The song is our gift to Mar, and surprisingly, it came to us in a flash of inspiration and was done in 30 minutes. It is our calling as artists to channel that inspiration into something positive.
Suwerte rin kami dahil sinuportahan kami ni Tito Vehnee Saturno. He helped us translate the original English lyrics to a more moving Tagalog song.
“Nararamdaman ko ang sincerity ni Mar every time he talks about us Filipinos. I immediately got inspired to write the song with Kris and Billy.
We came up with the song to support Mar’s vision for the country as we believe in the many causes he is advocating,” pahayag naman ni Jay R.
At dahil sa catchy tune at uplifting message, madalas nang patugtugin ang “Fast Forward” sa radyo at umaakyat agad sa charts ng top OPM radio stations.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.