Aktres sira ang career dahil sa reklamadorang nanay
MUKHANG sa ibang TV network naman makikigulo ang nanay ng isang batang aktres na base sa kuwento sa amin ay gustong laging bida ang anak sa lahat ng episodes ng isang TV series.
Dati nang inirereklamo ang nanay ng batang aktres sa unang TV network na pinanggalingan nito at talagang sumusuko ang production staff sa pagiging pakialamera at mareklamo ng ina kapag hindi maganda ang exposure ng anak.
Maging kapwa nanay ng mga batang artista ay nabu-bwisit na dahil nga pare-pareho naman daw ang papel ng mga bida sa programa pero ang la-ging hirit ng reklamadorang nanay kailangan laging angat ang anak niya.
Hanggang sa nagkaisa ang production staff na hindi na bibigyan ng project ang batang aktres dahil sa nanay nito kaya lumipat sila sa ibang network.
Ang ending, ganu’n pa rin ang drama ng nanay ng young actress na ikinaiirita ng production at kapwa magulang. Nu’ng una ay pinagpapasensiyahan pa ng staff ang nanay kasi nga plano nilang bigyan ng magandang project ang anak na nangyari naman, pero hindi impressive sa ratings at wala ring epek sa viewers.
Hanggang sa naging support na lang ang aktres na ikinairita ng ina. Kaya ang nangyari, hindi na talaga binigyan ng proyekto ang batang aktres kaya lumipat na naman sa ibang network.
Pero umiral pa rin ang pagiging reklamador ng nanay. Heto ang exact words sa amin ng TV executive na kausap namin, “Hindi ko alam kung ‘yung nanay ang gustong mag-artista o ‘yung anak niya.
Baka gustong mag-special participation? “Kung anu-anong sinasabi, e, nakakairita kaya kapag ako kausap niya, dalawang linya lang, iniiwan ko na at ayoko na siyang makatsikahan nang matagal kasi baka mawala ako sa mood, e, madamay pa ang show,” sabi sa amin.
Bakit nga ba may mga ganu’ng nanay bossing Ervin? Hindi ba nila alam nakakasira sila sa mga anak nila? Sabagay, papansin din naman ang batang aktres na sa totoo lang ay wala namang talent, pero ipinagpi-pilitan ang sarili sa showbiz.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.