Kz Tandingan nahirapan sa unang sabak sa Your Face Sounds Familiar | Bandera

Kz Tandingan nahirapan sa unang sabak sa Your Face Sounds Familiar

Reggee Bonoan - September 08, 2015 - 02:00 AM

kz tandingan

Tinanong namin si KZ Tandingan kung bakit sumali pa siya sa You Face Sounds Familiar gayung ang dami na niyang sinalihang contest at parating big winner, tulad ng X Fator Philippines (2012), at Himig Handog P-Pop Love Songs (2014), idagdag pa ang pagkapanalo siya sa Singing Bee last year din.

Hindi pa ba siya kuntento sa mga napanalunan niyang titulo at pagbigyan naman ang iba? Alam kasi naming malaki na naman ang tsansa ni KZ na maging grand champion sa Your Face Sounds Familiar Season 2.

“Sobrang iba po kasi ito, kasi ‘yung iba tulad ng Singing Bee, X Factor at Himig Handog, nakukuha ko naman po dahil kung paano mag-perform si KZ at kumanta, itong Your Face kasi, dito rin ako pinakanahirapan.

Kasi kung gaano ako ka-okey as KZ Tandingan, dito hindi ko puwedeng gawin.“Napansin nga nila (production) na sa unang mga taping namin, nakita nilang hindi ako nage-enjoy kasi iniisip ko kung ano ‘yung hindi ko dapat gawin o baka konting ma-feel ko lang ‘yung kinakanta ko, mawala na ako sa character (music icon na gagayahin).

“So, buti nandiyan ang mga kasama ko (contestants), sinuportahan nila ako kung paano ko ma-overcome iyon. Tapos po, minsan kasi masyado akong perfectionist pagdating sa kanta ko, so dito sa YFSF nadala ko which is hindi ko dapat ginagawa, so iyon po ‘yung malaking challenge sa akin,” paliwanag ni KZ.

Nabanggit namin na hinahanap namin ‘yung KZ na nanalo sa X Factor na may sa-riling istilo sa pagkanta na kakaiba sa pandinig, pero ibang-iba na ngayon dahil nagiging pop singer na rin siya at sa tingin namin ay wala na siyang ipinagkaiba sa ibang singers ng ASAP na iisa ang tunog.

“Siguro po, hindi naman nag-iba, ginagawa ko pa rin naman po (jazz) pero hindi na masyado on TV sa gig na lang. Kasi po sa TV (ASAP), hindi naman kami most of the time nabibigyan ng spot na puwede naming gawin ang gusto namin, so kung ano po ‘yung ibinibigay, ‘yun lang ang ginagawa namin, kasi may areglo silang binibigay.

“So okay na rin po, siguro growth lang, kasi dati kung ano lang ‘yung alam kong style, as the years pass, mas naging open ako sa lahat ng genre, ngayon lalo na sa ASAP na hindi naman ako lagi nakakanta ng jazzie, kundi medyo soul, kaya natutunan ko po na kung ano ‘yung ibinigay sa aming requirement na anong kailangan naming gawin, ‘yun po an gang ginawa namin.

“Pero minsan, binibigyan din kami ng chance naman na always to do what we wanted to do, as long as nakikita nilang kami ‘yun, pero ibang performances (genre) ginagawa ko pa rin,” mahabang paliwanag ng petite na singer.

Magsisimula na ang YFSF season 2 sa Sabado.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending