Michael Pangilinan magiging tatay na | Bandera

Michael Pangilinan magiging tatay na

Reggee Bonoan |September 04,2015
facebook
share this

Michael Pangilinan magiging tatay na

Reggee Bonoan - September 04, 2015 - 03:01 PM

michael pangilinan

Na-shock kami sa pag-amin ni Michael Pangilinan na magiging tatay na siya sa edad na 19.

Opisyal itong inamin ng binata kahapon sa launching ng Your Face Sounds Familiar. Sa Disyembre raw niya makikita at mahahawakan ang anak niya. “Excited nga po ako,” ang pahayag ni Michael nang makausap namin kahapon.

Dagdag pa nito, “Na-excite po ako kung ano ang magiging itsura ng anak ko, ‘yung daddy na ako, excited na akong bumili ng gamit niya, ng gatas, diapers, mga ganu’n.”

Napahanga kami ni Michael dahil talagang inamin niya ang totoo, “Handa ko pong panagutan ang bata. Sobrang proud po talaga ako na magiging daddy na ako, una kong nalaman na buntis, wala pong ibang pumasok sa isipan ko kundi itutuloy ko ‘yan, mawala na ang lahat, ayoko lang malaglag, we’re friends naman po (nanay ng magiging anak niya).

“Iyon po ‘yung mga pumapasok sa akin na ano ang puwedeng mangyari kapag mayroon na akong binibitbit (karga), alam mo ‘yung uuwi ka ng bahay galing ka sa trabaho tapos makikita mo ‘yung anak mo.

“Nang malaman kong ganu’n nga (buntis), mas lalo akong ginanahang magtrabaho, hindi ako nanghina na parang, ‘Ayoko nang magtrabaho.’ Hindi ganu’n, eh. Lalo kong naisip na kailangan kong magtrabaho para maging maganda ‘yung buhay ng magi- ging anak ko,” aniya pa.

Parang kailan lang nang sabihin ni Michael na kaila- ngang may sariling bahay at malaking ipon muna siya bago mag-asawa, pero heto’t, magi- ging tatay na siya.

Sobrang nagpapasalamat si Michael sa manager niyang si katotong Jobert Sucaldito dahil hindi siya nito iniwan sa oras ng pangangailangan at higit sa lahat, tinulungan din siyang magtapat sa kanyang mga magulang.

Say naman ng katotong Jobert, “Umpisa talagang nagalit ako, pero naging proud ako kasi nu’ng tinanong ko siya kung anong plano niya, sinabi nga niyang pananagutan niya kaya talagang na-proud ako kasi may paninindigan siya at napatunayan niyang lalaki siya.”

Ayaw ng magkuwento ni Michael tungkol sa pagkakakilanlan ng ex-girlfriend niya dahil pareho silang 19 years old at galing sa maayos na pamilya at higit sa lahat, matinong babae raw.

Samantala, excited si Michael sa Your Face Sounds Familiar dahil gusto niyang mapasama talaga sa show nu’ng unang season palang dahil gusto niyang i-challenge ang sarili niya.

Sa tanong kung hindi ba siya natatakot na baka makaapekto sa ka- rera niya kapag hindi siya nanalo sa YFSF, “Hindi naman po, hindi kami natatakot na bumagsak kasi, lahat kami may kanya-kanyang ipakikita na hindi namin akalaing kakayanin pala namin, dito mapatutunayan na may iba ka pa palang kayang gawin.

“Lahat kami hindi namin inisip na makakasira, kundi makakatulong po sa amin ang show, kasi maiisip ng tao na marunong pala siyang manggaya ng (icon) singers,” kuwento ni Michael.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod kay Michael, kasama rin sa second season ng YFSF sina Denise Laurel, Sam Concepcion, Kean Cipriano, Myrtle Sarroza, Eric Nicolas, KZ Tandingan at Cacai Bautista.

Sina Billy Crawford at Melai Cantiveros ang magsisilbing hosts ng programa at magsisimula na sa Sept. 12 sa ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending