Pagtatapos ng Nathaniel nina Gerald at Shaina hindi itinuloy | Bandera

Pagtatapos ng Nathaniel nina Gerald at Shaina hindi itinuloy

Reggee Bonoan |September 03,2015
facebook
share this

Pagtatapos ng Nathaniel nina Gerald at Shaina hindi itinuloy

Reggee Bonoan - September 03, 2015 - 02:00 AM

gerald anderson

NA-EXTEND ang seryeng Nathaniel nina Gerald Anderson, Shaina Magdayao, Coney Reyes at Marco Masa.

Patuloy kasi ang magagandang feedbacks na natatanggap ng Dreamscape Entertainment mula sa viewers at loaded din ng commercials ang serye na supposedly ay hanggang nitong Agosto lang pero aabutin na ito ng hanggang katapusan ng Setyembre.

Kaabang-abang ang mga susunod na eksena ngayong pumasok na ang tatlong anghel sa kuwento na ginagampanan nina Enchong Dee (Eldon), Rayver Cruz (Josiah) at Sam Milby (Armen).

Nasulat namin dati na pinababa sa lupa ang tatlong guwapong anghel na may mabubu- ting puso para sunduin na si Nathaniel pero hindi pa pala ito mangyayari dahil may kanya-kanya rin silang mahahalagang papel para tuluyang magapi ang kasamaan nina Baron Geilser, Isabelle Daza at David Chua.

Hindi kaya ng powers ni Nathaniel ang kasamaan ni Baron dahil pati mga inosenteng mamamayan sa malala- yong probinsiya ay idinamay na nito, sinira ang kanilang mga pananim at nilagyan ng lason ang mga ilog at sapa.

Base sa episode ng Nathaniel noong Lunes ay naunang bumaba si Eldon (Enchong) para ayusin ang mga nasirang pananim at inalis ang lason sa ilog.

Kaya naman sobrang tuwa ni Nathaniel at nagpasalamat sa kanyang kuya Eldon. Pero binilinan ang bata na hindi pa tapos ang problema dahil nag-iba na ang pananaw ng mga tao sa nasabing lugar.

Tinapos muna ng tatlong anghel ang mga eksena nila sa Nathaniel bago lumipad patungong London kahapon para sa ASAP20. Sabi ng tatlong binata, sa eroplano na lang daw sila matutulog.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending