Jm pasaway na naman, laging late sa taping ng bagong serye sa ABS | Bandera

Jm pasaway na naman, laging late sa taping ng bagong serye sa ABS

Reggee Bonoan |September 03,2015
facebook
share this

Jm pasaway na naman, laging late sa taping ng bagong serye sa ABS

Reggee Bonoan - September 03, 2015 - 02:00 AM

jm guzman

Ayaw naming maniwala sa mga tsikang kumakalat ngayon na pinoproblema na naman daw ng production si JM de Guzman dahil madalas na naman daw itong ma-late sa ta- ping ng bago niyang serye sa ABS-CBN na All Of Me.

May pinagkakaabalahan daw ngayon ang aktor kaya la- ging puyat at hindi kaagad nakakasipot sa mga natanguang commitment.

Medyo napansin lang namin si JM noong makatsikahan ng entertainment press pagkatapos ng celebrity screening ng All Of Me na parang lutang. Hindi namin alam kung dahil ba ‘yun sa sobrang kasiyahan dahil sa mga pupuri ng mga nakapanood sa serye nila o may kung ano na namang gumugulo sa isip niya.

Sana ay hindi totoo ang tsika tungkol kay JM dahil nakakahinayang naman na binigyan na siya ng ikalawang tsansa ng Dos na bihirang mangyari sa mga artista.

Anyway, hindi lang ang All Of Me ang project ni JM ngayon dahil may pelikula pa silang gaga- win ni Jennylyn Mercado para sa MMFF 2015 at meron din siya bagong album na ginagawa.

Naisip namin baka napapasarap lang ang tulog ni JM dahil nagsosolo raw ito sa kanyang condo unit kaya walang nanggigising sa kanya na nagiging dahilan ng pagka-late niya sa trabaho.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending