Liza nakabili na ng bagong bahay para sa pamilya; muling mag-iipon para sa sariling dream house | Bandera

Liza nakabili na ng bagong bahay para sa pamilya; muling mag-iipon para sa sariling dream house

Reggee Bonoan |September 02,2015
facebook
share this

Liza nakabili na ng bagong bahay para sa pamilya; muling mag-iipon para sa sariling dream house

Reggee Bonoan - September 02, 2015 - 02:00 AM

enrique gil

NAKAKATATLONG taon pa lang si Liza Soberano sa showbiz ay heto’t nakabili na siya ng sariling bahay para sa kanyang pamilya sa isang eksklusibong subdibisyon.

Kaya nga biro namin sa dalagita ay isang bahay at condo pa ang bubunuin niya dahil ito ang usapan nila ng manager niyang si Ogie Diaz base sa kanilang 10-year contract.

Sagot ng dalagita, “Opo, pero matatagalan pa po ‘yun kasi ito talaga ‘yung magiging dream house ko.”
Sa bagong biling bahay na nakatira ngayon ang mag-anak ni Liza, “Kasi at least, alam ko na safe na ako na may house na akong stable at alam ko na kung may mangyari sa akin, knock on wood, at least, mayroon silang titirhan and I don’t have to worry about that.”

Samantala, inamin ni Liza na hindi siya mahilig magpalinis ng kuko sa salon dahil siya lang daw ang naggugupit ng mga kuko niya sa kamay at paa lalo’t maiiksi naman ang mga ito.

Sabi ng batang aktres ay kapag may okasyon siyang pupuntahan ay saka lang siya nagpapa-manicure at pedicure pero kung sa taping o shooting lang naman ay dedma siya.

“At least now, may professionals ng magka-cut at maglilinis ng nails ko, lalo na sa mga photo shoot ko sa ASAP na rati hindi ko nagagawa ‘yun, at least ngayon may (regular) ng mag-aalaga,” say nito sa ginanap na contract signing bilang unang celebrity endorser ng Nails.Glow Spa Salon kasama ang manager niyang si Ogie at may-ari na sina Ferdie at AJ Opena.

Ang pagiging simple at maganda ni Liza ang nagustuhan sa kanya ng lahat kaya naman sa ginanap na survey ng mag-asawang Ferdie at AJ kasama ang binuong research team at group discussion among their franchisees para sa kukunin nilang ambassadress ay pangalan ng batang aktres ang binabanggit.

Inamin naman ng mga may-ari ng nasabing nail salon na maraming binanggit na teenstar na sikat din, pero si Liza ang nanguna sa survey kaya hindi na sila nagdalawang-isip pa dahil kaagad na nilang kinuha para maging mukha ng kanilang kumpanya na mayroon ng 40 branches sa buong Pilipinas.

Malaki raw ang pagkakaiba ng nasabing salon sa iba, “Usually kasi kapag maganda o high-end ang dating ng salon, akala nila, mahal, pero sa amin, sosyal ang salon pero pang-masa ang presyo kaya maraming nagugulat na ganu’n lang pala ‘yung babayaran nila after the services,” kuwento ni Ferdie.

Ang ilan sa mga branches nila ay matatagpuan sa Tandang Sora, Quezon City; Farmer’s Plaza, Cubao; Tanay Rizal; Frisco; Binondo Manila, Zapote, Las Piñas, Guiguinto, Bulacan, Starmall Molino, Cavite, Anonas, Cubao, Sta. Lucia East Grand Mall, Cainta at marami pang iba.

Tulad ng inaasahan, sa darating na Star Magic Ball ay si Enrique Gil ang ka-date ni Liza, dito na nga nabanggit ng dalaga na gustung-gusto niya ang mga kuko ng aktor dahil malilinis kahit na hindi ito nagpapa-manicure.

“Turn off po ako sa maruming kuko, saka gusto ko ang magandang feet like my father. Hindi ko pa nakita ang mga kuko ni Ken (Enrique) sa paa kasi parati siyang naka-shoes,” sabi ni Liza.

At dahil permanenteng loveteam na sina Liza at Enrique kaya muling tinanong ang dalagita kung kailan nila ito gagawing totoo. “Ahm, nagpaparamdam po siya, pero ang priorities ko, I’m focusing on my career talaga kasi marami pa po akong kailangang bayaran lalo na ‘yung bahay ko,” sabi ng dalagita.

At kapag nagpaparamdam daw ang binata sa kanya, “Shrug off lang,” sambit ni Liza. Kaya tinanong namin kung selosa siya kapag nakikita niyang may ibang kausap na babae si Enrique, “Hindi naman po wala naman po,” sagot niya.

Sa darating na Enero 4, 2016 ay isa nang ganap na dalaga si Liza pero wala raw debut party na magaganap dahil ayaw niya.“Ayoko lang po ng engrandeng debut kasi preparations for it parang sobrang daming stress na mapupunta sa akin, gusto ko lang charity events.

“Simpleng party with family and close friends, ‘yun lang po, I really want it to be sentimental and I just want to be with the people I love talaga on my 18th birthday and to start something new.

“Kinausap na po ako ni Mr. M (Johnny Manahan) at sabi niya, hindi raw po niya ako pipilitin kung ayaw ko,” paliwanag ng dalagita.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gusto rin daw magkaroon ni Liza ng action movie, “Kasi po dito parang walang ganu’n, I like The Walking Dead TV series in America, so ako, naastigan ako sa mga ganu’n, so I just wanna try to build-up once, kasi dito sa Philippines walang gumagawa, sa mga indie (films) lang, so gusto kong gawin ito sa mainstream para maiba naman,” pahayag pa ng dalaga.

Busy si Liza sa shooting ng bagong movie nila ni Enrique at inihahanda na rin ang next soap nila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending