James, Nadine pinakikilig ang madlang pipol kahit di totoong magdyowa | Bandera

James, Nadine pinakikilig ang madlang pipol kahit di totoong magdyowa

Reggee Bonoan |August 31,2015
facebook
share this

James, Nadine pinakikilig ang madlang pipol kahit di totoong magdyowa

Reggee Bonoan - August 31, 2015 - 02:00 AM

james reid

NAKATSIKAHAN namin ang kilalang aktres na mahigpit na sinabing huwag na naming babanggitin ang pangalan niya dahil ayaw niyang may makasamaan ng loob lalo na’t magkakaroon siya ng programa sa ABS-CBN sa susunod na buwan.

Gusto lang daw iparating ng aktres kina James Reid at Nadine Lustre na, “Kinikilig ako sa JaDine” habang nanonood siya ng On The Wings Of Love na umeere gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Hangga’t maaari ay hindi raw umaalis ng bahay ang kilalang aktres kapag oras palabas na ang On The Wings Of Love dahil ayaw niyang ma-miss ang bawat episode, pero kapag hindi raw talaga puwede dahil may taping siya ay sa I Want TV na lang daw niya ito pinapanood.

Na-curious kami kung bakit pinapanood ng kilalang aktres ang JaDine kiligserye at ang maganda niyang sabi sa amin, “Come to think of it, they’re (JaDine), not lovers, and yet they make the viewers kilig with their simpleng titigan at asaran.

“That’s what you call chemistry. Kung tutuusin nga, wala naman silang effort na ginagawa, magkaharap lang sa dining table, mga tinginan at takbo ng usapan, di ba kilig na.

“Hindi uso ‘yung dapat magsyota o nagliligawan para mag-click ang loveteam? Hindi na uso, nu’ng kapanahunan ko (70’s) hindi naman magsosyota ang mga bida sa mga drama series, pero maganda. Well, may mga nagkatuluyan, pero hindi lahat.

“I have nothing against Pangako Sa ‘Yo kasi nakakakilig din naman sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, but, you have to admit that, alam mo na ang kuwento, eh. Remake nga kasi, di ba?

“So, technically, ang aabangan mo na lang is sina Claudia at Amor Powers na maski naman sa unang Pangako Sa ‘Yo nina Jericho (Rosales) at Tin (Kristine Hermosa), sina Jean Garcia at Eula Valdez ang inabangan talaga ng lahat, tama?

“Unlike On The Wings of Love, you don’t know what will happen next to the two, James and Nadine. So, aabangan mo talaga ‘yung love story nila, yung kuwento ng buhay nila especially Nadine na kailangang magpakasal sa guy he doesn’t knew at all?

“That’s where the kilig is, yung aabangan mo ang susunod na mangyayari. Tapos, the ex- boyfriend of Nadine back in the Philippines na hoping na sila pa rin, hindi na pala and maski na type na ni Nadine si James, pigil na pigil kasi nga magpinsan.

“Get’s mo ‘yung conflict do’n? Tapos here comes Nadine nahihiya kay Cherry Pie who helped her all throughout kasi nga girlfriend ng anak niya, tapos mapupunta lang sa iba, alam mo ‘yung feeling na ganu’n?

“Tapos si James din na kaya pala nagsusungit kasi ayaw niyang ma-fall in love but it just happened na and wait na lang tayo sa next episodes, so you know what I mean? Aabangan mo talaga?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito ang napakahabang kuwento’t eskplanasyon sa amin ng nasabing aktres. Oo naman, nakakakilig naman talaga sina James at Nadine, siguro nga, mas tamang huwag na lang silang maging lovers para may mystery at malaya silang nakakaarte at nakakakilos dahil tiyak na magbabago yan pag may limitasyon na kuno.

Ikaw bossing Ervin, kinikilig ka rin ba sa JaDine? (In fairness Reggs, hindi na lang ako pero yung mga kapitbahay namin talagang hindi natutulog hangga’t hindi tapos ang OTWOL. Masarap daw kasing mag-sleep after the show.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending