Julia Montes sa bagong bahay malapit sa mansyon ni Coco: Ako ang bumili nu’n! | Bandera

Julia Montes sa bagong bahay malapit sa mansyon ni Coco: Ako ang bumili nu’n!

Reggee Bonoan - August 26, 2015 - 02:00 AM

coco martin

SOBRANG drama pala ang bagong afternoon serye ng ABS-CBN na Doble Kara ni Julia Montes. Napanood namin ang pilot week nito sa ginanap na advanced screening noong Linggo sa Trinoma Cinema 7.

Pakiramdam namin ay pambata ang programa dahil sangkaterbang bagets ang nanood nito at talagang napuno nila ang halos kalahati ng sinehan kasama ang kanilang mga magulang.

Sa unang episode pa lang ay ang bigat na ng eksena kung saan kailangang ibigay ni Mylene Dizon ang anak niyang si Kara sa tunay nitong tatay na si Allen Dizon para maipa- gamot ang sakit nitong leukemia.

Flashback: nagkakilala sina Mylene at Allen noong wala pa silang asawa dahil sa matinding pangangailangan ng una kaya siya pumatol sa huli.

Nagbunga ang kanilang pagtatalik pero hindi ito ipinaalam ni Mylene kay Allen, hanggang sa mapangasawa na nito si Ariel Rivera na siyang sumalo sa dinadalang kambal – sina Sara at Kara.

Nagka-leukemia si Kara kaya napilitang lumapit si Mylene sa tunay na ama nitong si Allen na humingi naman ng DNA test para mapatunayang anak nga niya ang bata.

Pero hindi ipinagtapat ni Mylene na kambal ang naging anak nila. Nagtagisan ng galing sa pag-arte sina Ariel, Mylene at ang batang Julia sa eksenang ibibigay na nila ang anak kay Allen.

Iyakan ang manonood sa tagpong ‘yun. Pagkasundo ni Allen kay Kara ay idiniretso niya ito sa foundation na nag-aalaga ng mga batang maysakit kung saan ang asawa nitong si Carmina Villaroel ang nagpi-finance bilang panata nito ma- tapos mamatayan ng anak.

Taun-taon ay ipinagdiriwang pa rin ng karakter ni Carmina ang kaarawan ng namatay na anak sa foundation na nagkataong kaparehong petsa rin ng kaarawan ni Kara at kasing edad.

Kaya nang malaman ni Carmina ang buhay ni Kara na ulilang lubos na base sa kuwento ng asawang si Allen at nalamang sing-edad ng anak niya at pareho pa ng petsa ng kaarawan ay sinabi niya sa asawang aampunin nila ang bata.

Nagulat si Allen at sabay tingin kay Kara na sa akalang magsasalita ito, pero sinakyan ng anak ang lihim nilang mag-ama.

At dahil pabalik-balik ang sakit ni Kara dinala siya sa Amerika hanggang sa gumaling at doon na rin nag-aral ng high school. Pero nanatiling buhay sa isipan ni Kara ang naiwang pamilya sa Pilipinas kaya hiniling niya bilang graduation gift sa tatay niya na bumalik na sila dahil nami-miss na niya ang kanyang pamilya.

Samantala, ang kakambal ni Kara na si Sara ay lumaking kontesera, lahat na lang ng beauty contest sa probinsiya nila ay sinalihan para makatulong sa pamilya. Hanggang sa magdesisyon ang dalaga na subukan ang kapalaran sa Maynila.

Sa araw na pag-alis ni Sara patungong Maynila ay siya namang dating ni Kara sa kanilang probinsiya at hindi sinasadya ay nagkita ang dalawa at tinawag nila ang pangalan ng isa’t isa.

At dahil dito na tinapos ng Dreamscape ang pilot week, ang sigaw ng audience, “Bitin!” Dumalo si Coco Martin sa celebrity screening ng Doble Kara na ikinagulat ni Julia dahil hindi naman daw nagsabi ang aktor na darating siya at take note, hindi nagpakita ang binata sa mga tao dahil sa likod siya dumaan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa episode ng Kris TV kahapon kung saan guest si Julia, inamin nitong nakabili siya ng bahay sa village kung saan nakatira si Coco. Pero mariin niyang sinabi na siya ang bumili nu’n at hindi regalo ng Teleserye King.

Nag-umpisa na ang Doble Kara noong Lunes sa Kapamilya Gold kung saan kasama rin sina Gloria Sevilla, John Lapus, Alora Sasam, Alicia Alonzo, Edgar Allan Guzman at Anjo Damiles mula sa direksyon nina Emmanuel Palo at Jon Villarin, handog pa rin ng Dreamscape Entertainment.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending