Gov. Vilma sa pagtakbong Vp: Wala akong ambisyon, di ako interesado! | Bandera

Gov. Vilma sa pagtakbong Vp: Wala akong ambisyon, di ako interesado!

Reggee Bonoan - August 23, 2015 - 02:00 AM

vilma santos

KINUMPIRMA na ni Batangas Gov. Vilma Santos-Recto na wala siyang kaplanu-planong tumakbo bilang Bise-Presidente ng bansa sa 2016.

Huling termino na ni Ate Vi bilang gobernadora ng Batangas sa 2016 and as of now ay hindi pa siya nakakapag-decide, pero interesado raw siya sa Kongreso.

“I may consider Congress but nothing is final kung tatanungin n’yo ako,” ang bungad ni Ate Vi nang dalawin namin sa set ng pelikula nila ni Angel Locsin na idinidirek ni Joyce Bernal under Star Cinema sa Mandaluyong City noong Huwebes ng gabi.

Sa tanong namin kung bakit matunog ang pangalan niya bilang bise ni DILG Sec. Mar Roxas na kakandidatong Presidente sa 2016, “Oo nga, nagulat nga ako, ‘Mar-Vi, the unbeatable’ ba ‘yun? Sa totoo lang wala naman akong natatanggap na offer, walang kumakausap sa akin, siguro ano lang ‘yan publicity lang ‘yan.

“Thank you for considering me, pero wala yung sasabihin mo na formal talk, wala. Hindi ko kinu-consider ‘yon. “In the first place, naka-psyche na yung utak ko na wala akong plano.

Hindi kasi madali na trabaho ‘yon. Yung governor, sakripisyo na, how much more kung pag-uusapan natin na hindi biro, e?

“Wala akong ambisyon, no plans, and I’m not interested because wala sa plano ko,” paliwanag ni Ate Vi.
Labis-labis na ipinagpapasalamat ni Gov. Vilma ang mga supporter niya sa Batangas dahil sa tiwalang ibinigay sa kanya hanggang ngayon.

“Legacy ‘yun kasi hindi naman lahat pinagkakatiwalaan ng ganu’n, 18 years as public servant is no joke. And then modesty aside, first woman Mayor and first woman Governor ng Batangas, that’s women empowerment.

Ibig ko sabihin, legacy, so hindi talaga puwedeng balewalain ‘yun,” dagdag pa ni Ate Vi. At aminado ang premyadong aktres na kaya raw siguro siya ibinoto ay dahil sa pagiging artista, “First love ko naman (showbiz), 9 years old artista na ako and I’m very sure kaya rin naman ako kinonsidera diyan (pulitika) nu’ng una dahil ako si Vilma Santos kaya lang later on hahanapin na sa iyo, performance kaya mo ba o hindi? Siguro kaya rin ako napagkatiwalaan ng 18 years, I must have done something good,” pahayag ni Ate Vi.

Inamin din ng gobernadora na mas nag-eenjoy siyang paglingkuran ang mga kababayan niya sa Batangas, “Parang ang ano ko (forte) is more on local kasi given a chance siguro, halimbawa natuloy akong tumakbo sa Congress, that’s one term, 3 years.

Given a chance gusto ko pang magsilbi, babalik ako sa pagka-governor kailangan kasi may break, e.
Muling bumalik ang usapan sa pagtakbong bise-presidente, pero ipinagdiinan talaga ni Ate Vi na walang sinumang taong puwedeng mang-impluwensiya sa kanya para kumandidato sa nasabing posisyon, “Pag hindi ako naka-focus doon, hindi ako magiging effective.

Kasi hindi ko maibibigay ang puso ko, hindi ako preparado. Buong Pilipinas, hindi madali, believe me. Being a public servant is sacrifice.

Ano naman ang masasabi ni Ate Vi kay Sec. Mar na kakandidatong Presidente, “I think Mar will be a good president, aminin man natin o hindi, may magandang pundasyon namang iniwan si President P-Noy, aminin natin o hindi.

“Ang mangyayari lang ‘yan siguro, the best na puwedeng magawa kung gustong ituloy ‘yung tuwid na daan, do some interventions, do some innovations, kung ano ‘yung kakulangan, baka iyon ang mapunuan niya.

“Sabi nila ‘yung economy growth, hindi umaangat sa baba, baka itong susunod na administrasyon, baka ito naman ang bigyan ng priority, ‘yung programa ng agrikultura, so ito naman is may magandang pundasyon na, it’s just a matter of continuation, and I think si Mar naman is on that track.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Baka naman ‘yung kay Mar is sana nga ma-improve niya, kasi hindi mo naman matatapos ‘yung programa in short term lang (6 years), kaya kung magagawa iyon ni Mar, he will be a good president,” sabi pa ng aktres-politiko.

Ano naman ang komento niya kung pumayag si Sen. Grace Poe na mag-VP kay Mar, “I think, magiging perfect team sila kung tuloy, kasi si Grace naman maganda ang intensyon sa bansa,” ani ate Vi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending