Lea sa Bashers: Kapag sobrang bastos na, papatulan ko talaga!
NGAYONG gabi na ang sim-ula ng semi-finals (live show) para sa top 6 ng The Voice Kids Season 2 sa ABS-CBN.
Malalaman na kung sino kina Kyle Echarri at Zephanie Dimaranan ng Team Sarah; Elha Nympha at Sassa Dagdag ng Team Bamboo; at Reynan Del-anay at Esang De Torres ng Team Lea ang magtutunggali para sa grand finals.
Apat na batang nangangarap na sumikat na may mataas na porsiyento ang matitira kaya posibleng isa sa tatlong coach ang walang panlaban o posible ring mayroon katulad noong nakaraang season at dodoble ang isa.
Nang makatsikahan namin si Coach Lea, sinabi nitong, “I believe they will be up to the challenge of live shows. Magaling silang magkuwento at malalaki at malalakas ang kanilang puso.”
Ayon pa kay coach Lea mas madaling turuan ang mga batang contestant kesa sa adults, “Ang mga bata mas mada- ling turuan kasi very open sila sa pagtuturo, wala pang hang-ups, it’s harder with the grown-ups.”
Payo ni Lea sa mga kids para sa nalalapit na grand finals, “The only thing I could do because they’re so young, it’s just learn your song well dapat alam na alam mo talaga ‘yung kanta mo kahit anong mangyari, kahit anong kaba o takot man lang o bigla na lang sumulpot on the day, you’re ready.”
Kilalang aktibo sa social media si Lea kaya natanong siya sa bansag sa kanyang “patola queen” dahil talagang bi- nabalikan niya ang kanyang bashers.
“Well, sometimes, you have to stand-up kasi for if somebody says obviously wrong or you have to stand-up for yourself also.
There are things na hindi ko na papatulan ‘yan kasi it’s a waste of time, but if I feel na you’re attacking something that I feel strongly about then oo, papa- tulan talaga kita.
“But I have to be very careful as to who to answer, as well as who to ignore and usually, it’s like I just had to figure it out and give some thought.
Pag talagang super-super bastos, they don’t need to get answer, they just get block,” ani coach Lea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.