Julia Montes pangarap ding maging ‘QUEEN’ | Bandera

Julia Montes pangarap ding maging ‘QUEEN’

Reggee Bonoan - August 18, 2015 - 02:00 AM

julia montes

Suki talaga ng Dreamscape Entertainment si Julia Montes na hindi rin naman itinanggi ng production dahil napakagaan daw katrabaho ng aktres bukod sa mabait at walang reklamo.

Huling napanood si Julia sa Wansapanataym nila ni Coco na Yamishitas Treasures ay heto at may sarili na siyang serye, ang Doble Kara kung saan dual role siya.

“Medyo tinutukan po namin ‘yung sa workshop talaga, naglaan po kami ng oras du’n. Gumawa po kami ng characters na differences like ano ‘yung isa and ano ‘yung isa, ano ‘yung pagkakapareho nila, paano sila mag-isip, paano sila kumilos, binuo po namin talaga sa workshop para po pagdating sa taping, kapado na namin kasi medyo mahirap nga po dahil hindi naman siya ‘yung tipo na isang buong araw, isang character ka lang, talaga pong on and off, on and off, iba-iba po talaga,” sabi ng dalaga.

Dagdag pa nito, “Doble ako, dobleng challenge, dobleng kwento na tututukan, dobleng journey na talagang susubaybayan mo.”

Hindi itinanggi ng batang aktres na dream role niya ang Doble Kara, “Everytime na tinatanong nga po ako kung ano ang dream role ko, nahihirapan po akong sumagot.

Siguro masasabi ko nga ngayon, ito po siguro ang dream role ko na naibigay po sa akin kaya super-thankful ako.” Nakaka-pressure raw ang tawag kay Julia na Royal Princess sa ABS-CBN, “Kasi siyempre, kailangan ko pong ibigay po ‘yun, eh. ‘Yung ipinagkatiwalang pangalan po na ‘yun, kailangan ko pong i-give back, so kailangan ko pong patunayan.

“May pressure po talaga, sobra po talaga. ‘Yun nga po, sabi ko nga po, hindi ko ine-expect na magpe-presscon ako dati, ‘yung presscon pa lang na part, hindi ko ine-expect na magpe-presscon ako every show kasi siyempre, dati, na-experience ko lang po, youg ganito (sa role), so wala kaming presscon.

Du’n pa lang, parang sobrang nao-overwhelm na ako, mabigyan pa po ng title.  “And siyempre, hindi naman porke’t nabigyan po ako (ng title), eh, okay. Dapat po talaga i-prove ko sa kanila,” paliwanag ni Julia.

Posible bang maging Queen siya pagdating ng araw dahil princess na siya ngayon, “Lahat naman po ng artista ‘yun ang pangarap. Sana po.

Sabi ko nga po, gusto ko, pag dumating ako sa point na tumanda ako, may maiiwan ako sa next generation or sa mas bata po sa akin or ‘yung sa mga susunod pa,” pag-amin ng dalaga.

Hindi naman naiwasang hindi sila ikumpara ni Kathryn Bernardo, ang Teen Queen naman ng ABS-CBN.
“Of course, Kathryn is Kathryn po talaga and I’m happy po kung ano na po si Kathryn ngayon – Teen Queen, di ba?

And happy rin po ako na parang sabi ko nga po, from Mara Clara, hindi ko rin naman po ine-expect na mabibigyan ako ng ibang role, na pwede po palang hindi ako maging kontrabida lang forever.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Du’n pa lang po, super-thankful po ako at sa lahat po ng nabibigay sa akin, more than 4 or 3 soaps na pinagkatiwaalan po ako, ‘yun pa lang po talaga, sobrang swerte ko na,” paliwanag ng aktres.

Anyway, makakasama ni Julia sa Doble Kara sina Carmina Villaroel, Ariel Rivera, Mylene Dizon, Gloria Sevilla, John Lapus at Allen Dizon mula sa direksyon nina Jon Villarin at Manny Palo mula sa Dreamscape Entertainment.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending