KASAGSAGAN nu’n ng kasikatan ng isang lalaking atleta. Hindi na gaanong aktibo sa pag-aartista ang kanyang nakarelasyon pero may sunong na titulo. Hindi ‘yun koronang pinanalunan nito sa isang beauty pageant, pero titulo pa rin, dahil sa isang kakaibang katangian na ang female personality lang ang meron. Nagkakilala lang sila sa isang party at nagkasundo […]
KINUMPIRMA mismo sa amin ng mga taong pinagkakatiwalaan ng kilalang aktor at aktres ang tungkol sa tunay nilang relasyon. Kuwento ng source sa amin, “Actually, wala pang opisyal na relasyon na puwedeng sabihing, ‘oo sinagot na ako (ng aktor) or oo sinagot ko na siya ng aktres)’ kasi hindi pa puwede, pero puwedeng sabihing may […]
SA isang malaking umpukan ng mga taong umiikot ang buhay sa showbiz ay biglang naalala ng mga nandu’n ang kuwento tungkol sa isang sikat na female performer na bata pa lang ay may kamalditahan na. Inglisera kasi ang bagets, may kadaldalan, masyado siyang matanong. Palagi niyang kasama ang kanyang mommy na tulad niya ay Inglisera […]
MAEKLAY din pala itong isang singer-TV host-actress noh! Aba’y nu’ng nasa kabilang istasyon ito at kuntento na sa paglamlam ng kanyang karir ay wala naman siyang reklamo sa mga offer sa kanya noon. Nagkataon lang na sumipa ang karir nito nang lumipat siya ng istasyon at mapabilang sa isang top rating show. Pero ngayon daw […]
PINAGPISTAHAN sa isang umpukan ng mga taga-showbiz ang press release ng isang guwapong aktor na matagal na silang lumalabas ng isang magandang aktres. Sabay-sabay na napasigaw ang mga nandu’n, parang sarkastiko ang kanilang sigaw, “Talaga lang, ha?” Wala kasing gustong maniwala sa kuwento, maitatago nga ba naman nila ‘yun, kung totoo nga? Nagtataka ang lahat […]
SA dami ng mga kuwentong hiwalayan kahit ng mga personalidad na matagal nang kasal ay nakatutuwang makarinig ng mga istoryang nagbibigay ng inspirasyon. Tulad na lang ng relasyon ng isang maganda at makinis na female performer at ng kanyang mister na magaling ding singer pero sumubok sa ibang larangan. Magdadalaga na ang kanilang anak […]
“PARANG mas maganda pa siya nu’ng walang make-up. May mga tao talagang nag-iiba ang itsura kapag naka-make-up ‘no?” Ito ang sabi ng isang member ng production staff ng isang programa na araw-araw napapanood sa telebisyon. Ang binabanggit ng staff ay ang non-showbiz girlfriend ng struggling actor na willing gawin ang lahat para lang sumikat at […]
TAHIMIK lang na tumatakbo ang proseso pero may nagaganap ngayon sa personal na buhay ng isang kilalang female personality. Desisyon na lang ng korte ang kanyang hinihintay para makalaya na siya sa relasyon nila ng isang non-showbiz guy. Nagtagal din ang kanilang relasyon, ginawa ng babaeng personalidad ang lahat-lahat para lang maging maganda ang takbo […]