Naglaho ang tsansa ng Gilas Pilipinas na masungkit ang titulo ng 39th Jones Cup matapos lumuhod sa South Korea, 83-72, Miyerkules, sa Taipei Heping Stadium, Taiwan. Umahon mula sa 49-66 pagkakalubog ang pambansang koponan at naibaba ang abante ng mga Koreano sa apat, 69-73, buhat sa follow-up dunk ni import Mike Myers may 2:11 minuto pang nalalabi sa […]
INIHAYAG ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza ang kanselasyon ng backchannel talks sa National Democratic Front (NDF) matapos ang sunod-sunod na pag-atake ng New People’s Army (NPA). “I am announcing the cancellation of backchannel talks with the CPP/NPA/NDF originally set within the next few days in Europe due to recent developments involving […]
Nasawi ang assistant prosecutor ng Rizal nang pagbabarilin ng mga armadong naka-motorsiklo sa bayan ng Taytay, Martes ng hapon, ayon sa pulisya. Pinagbabaril si Maria Ronatay sa bahagi ng Ortigas Ext. na sakop ng Brgy. San Isidro dakong alas-5, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police. Sakay si Ronatay ng kanyang Honda CR-V (UQI-133) nang […]
MARIING itinanggi ni Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime grand winner na si Noven Belleza ang kasong sexual assault na isinampa sa kanya ng isang local entertainer sa Cebu. Mula sa kasong rape, ibinaba ito ni Cebu City Assistant Prosecutor Ma. Theresa Casiño sa sexual assault matapos suriin ang mga ebidensiyang isinumite sa korte ng […]
Pinatay ng mga hinihinalang kasapi ng New People’s Army ang dalawang miyembro ng Marines at nasugatan ang isa pa, sa magkahiwalay na pag-atake sa Palawan, ayon sa mga otoridad. Nasawi sina Pfc. Joene Galiste at Pvt. James Porol nang pagbabarilin ng dalawang lalaki sa Purok Magsarungsong, Brgy. Magara, bayan ng Roxas, dakong alas-7:30 ng umaga […]
Umapela ang ilan sa mga kaanak ng mga nasawi sa Mamapasano incident sa Office of the Ombudsman na irekonsidera ang pagbasura sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide and physical injuries laban kay dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III. Kasama ang Volunteers Against Crime and Corruption pumunta sa tanggapan ng Ombudsman sina Telly Sumbilla, […]
Sinampahan ng reklamo sa Office of the Ombudsman ang mga opisyal ng Energy Regulatory Commission kaugnay ng pagtanggap umano ng pero mula sa isang kompanyang saklaw nito para sa biyahe abroad. Inireklamo ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, indirect bribery at technical malversation sina ERC commissioners Alfredo Non, […]
Limang miyembro ng Presidential Security Group at isang militiaman ang nasugatan, isang sibilyan ang nasawi, at isang police asset ang dinukot sa pananambang ng New People’s Army sa Arakan, North Cotabato, Miyerkules ng umaga, ayon sa pulisya. Aabot sa 150 ang bilang ng mga rebelde, na pawang mga naka-military uniform at nagsasagawa ng checkpoint na […]
IPINALABAS ni Pangulong Duterte ang Executive Order 33 na nagtataas sa funeral benefits ng mga miyembro sa Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) sa P30,000 mula sa dating P20,000. “The current Employees’ Compensation (EC) funeral benefit for both the private and the public sectors is no longer sufficient to cover ordinary […]
ITINALAGA ni Pangulong Duterte si dating Manila vice mayor Isko Moreno bilang miyembro ng Board of Directors sa North Luzon Railways Corporation. Matatandaang tumakbo si Morano, Francisco Moreno Domagoso sa tunay na buhay, bilang senador noong May 2016 elections bagamat natalo. Pinirmahan ni Duterte ang appointment paper ni Moreno noong Hulyo 12, 2017 at epektibo […]