February 2016 | Page 19 of 88 | Bandera

February, 2016

Relasyong Pacquiao-Krista uminit uli dahil sa Facebook

Kumalat sa social media ang litratong ipinost ng netizen sa kanyang Facebook account kung saan makikita ang nakaparadang campaign car ni Manny Pacquiao sa harap ng isang magandang bahay. Umabot agad sa mahigit 500 shares ang nasabing post ni Lorraine Marie T. Badoy na taga-Loyola Grand Villas, Quezon City. Nilagyan niya ang nasabing picture ng […]

Bagong import ipaparada ng Tropang TNT, Alaska

Mga Laro Ngayon (Araneta Coliseum) 4:15 p.m. Star vs Blackwater 7 p.m. Tropang TNT vs Alaska Milk Team Standings: Meralco (4-0); Blackwater (2-1); GlobalPort (2-1); NLEX (2-1); Mahindra (2-1); Phoenix Petroleum (1-1); Rain or Shine (1-2); Tropang TNT (1-2); Barangay Ginebra (1-2); San Miguel Beer (0-1); Alaska (0-1); Star (0-3) MAGPAPARADA ng bagong import ngayon […]

Morales namumuro sa Ronda Pilipinas

CAGAYAN De Oro City — Huwag lamang maaksidente sa karera o magkasakit sa huling dalawang araw ng Mindanao Leg ng 2016 Ronda Pilipinas, nakatitiyak na si Jan Paul Morales ng Navy-Standard Insurance team na makopo ang kampeonato sa taunang bikefest na ito. Nagwagi sa ikatlong stage ng karera kahapon si Morales matapos na maorasan siya […]

Studes na ginawang mop ang bandera, sinipa ng UE

PINATALSIK ng University of the East ang mga estudyanteng ginamit bilang basahan ang bandera ng Pilipinas na kinunan pa ng video at in-upload sa social media sites. Sa isang liham, sinabi ng UE na naging “unanimous” ang mga miyembro ng Board of Trustees na aprubahan ang “dismissal” ng mga hindi kinilalang estudyante. Ayon kay Dr. […]

Eruplano at chopper na ginagamit ni Poe galing kay Danding

Pinangalanan na ng presidential candidate na si Sen. Grace Poe ang mga nirerentahan at nagpapahiram sa kanila ng helicopter at eruplano. Ayon kay Poe idedeklara niya ito sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures kapag natapos na ang halalan alinsunod sa polisiya ng Commission on Elections. Sinabi ni Poe na isa sa nagpapahiram sa kanila […]

Panaginip at petsa ng kaarawan nanalo ng P119M

Pinaghalong panaginip at petsa ng kaarawan ang numerong nagpanalo ng P119.1 milyon sa isang lineman sa Maynila. Ang nanalo na sinadyang hindi pinangalanan para sa kanyang seguridad, ang nag-iisang nakakuha ng mga numerong 3-19-26-29-33-39. Siya ay 37-taong gulang, may-asawa at tatlong anak. Sila ay taga-Maynila. Nagsimula siyang tumaya sa lotto noong 1999 at nagkakahalaga ng […]

Derrick todo denay sa Valentine date nila ni Yaya Dub sa Subic

Mariing dinenay ni Derrick Monasterio na nag-date sila ni Maine Mendoza noong Valentine’s Day sa Subic. “Nagkataon lang po ako na nando’n ako (sa Subic) kasama ang mga kaibigan. Ayun, lakad-lakad kami sa shore, tapos hanggang sa nakita ko ‘yung staff ng Eat Bulaga. Siyempre, bati ako. Tapos ‘yun, sabi sa akin, ‘O, nandiyan si Maine.’ […]

Raymart ayaw nang mag-asawa uli at magkaanak: Na-trauma na kasi ako!

AYAW nang mag-asawa uli at magkaanak ng Kapuso actor na si Raymart Santiago.  Inamin ni Raymart na talagang na-trauma siya sa mga nangyari sa kanila noon ng kanyang estranged wife na si Claudine Barretto kaya mas gusto muna niyang i-enjoy ang pagiging single. “Alam n’yo naman na hindi naging madali ang pinagdaanan namin. Medyo na-trauma […]

Nangotong, piskal sinibak

Sinibak sa serbisyo ng Office of the Ombudsman ang assistant city prosecutor ng Quezon City na nangotong umano sa nagrereklamo sa hawak niyang kaso. Guilty ang hatol ng Ombudsman kay QC Assistant City Prosecutor Edgar Navales sa kasong Grave Misconduct. Bilang dagdag na parusa, hindi na rin siya maaaring magtrabaho sa gobyerno. Siya ay sasampahan […]

3 Intsik, 2 Pinoy dakip sa P15M shabu sa Luneta

Arestado ang tatlong Chinese national at dalawang Pilipino nang makuhaan ng ng aabot sa P15 milyon halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa tabi ng Quirino Grandstand sa Luneta, Manila, kaninang umaga, ayon sa pulisya. Nadakip ang mga Chinese na sina Dixon Kee Yu, 35; Qian Li alyas “Joey Li,” 39; Simon Tan, 53; […]

Previous           Next
No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending