Speaking of Superstar Nora Aunor, as of this writing ay naka-schedule nang pirmahan ni P-Noy ang proclamation niya as National Artist for Film and Broadcast Media. Matagal na kasi itong nakabinbin sa mesa ng pangulo after passing the evaluation of the honors committee and the office of the Executive Secretary. Pag napirmahan na ito (kahapon […]
NI-RAID ng mga armadong kalalakihan, na pinaniniwalaang mga Abu Sayyaf, ang isang resort sa Semporna, Sabah noong Miyerkoles ng gabi. Kinuha ng mga armadong lalaki ang isang Chinese guest ng Singamata Reef Resort na taga Shanghai, at receptionist ng resort na isang Pinay. Pinaniniwalaang dinala ng Abu Sayyaf ang kanilang mga bihag sa Sulu, Tawi-Tawi […]
Habang paikot-ikot lang si Direk Chito Roño nu’ng presscon ng “Da Possessed” na pinagbibidahan ng talent niya na si Vhong Navarro, showing on April 19, Sabado de Gloria, ay tinawag namin siya para mainterbyu. Tinanong si Direk Chito kung may kinalaman ba si Vhong sa pagkawala ni Ellen Adarna bilang leading lady niya sa “Da […]
Mali ang tsismis sa Carmela at Rhodora X. Umiikot sa mga social networking sites – obviously not coming the Kapuso crowd – na hanggang April na lang daw ang dalawang TeleBabad series at wala nang extension dahil sa lakas ng mga competition nila sa ABS CBN. This is farthest from the truth of course dahil […]
KAILANGAN ng permiso mula sa Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang ginagawang libreng shuttle service ng Makati para sa mga pasahero ng MRT na patungo sa central business district ng siyudad. Ayon kay Makati Mayor Junjun Binay, pinadalhan siya ng sulat ng LTFRB na nag-uutos na kailangan ng “special permit” para makapag-operate ng […]
AYAW patulan ng Malacanang ang pahayag ng Volunteers Against Crime and Corruption na isa si Delfin Lee sa mga nagbigay ng malaking campaign contribution sa kandidatura ni Pangulong Aquino noong 2010 presidential elections. Sa kanyang briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na may listahan naman ang Commission on Elections (Comelec) ng mga personalidad […]
ISANG delivery van driver ang nanalo ng P4.4 milyon jackpot prize ng 6-digit draw noong Abril 1. Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang nanalo ay 40-anyos at nag-iisang nakakuha sa mga numerong 0-7-1-8-1-3. Ang mga numero niyang tinayaan ay may kaugnayan sa kaarawan ng kanyang bunsong anak. Siya ay mayroong dalawang anak. Plano niyang […]
Lotto Game Combinations Draw Date Jackpot Winners Superlotto 6/49 08-01-35-46-02-22 4/3/2014 16,000,000.00 0 6Digit 7-5-8-5-1-3 4/3/2014 242,202.74 0 Swertres Lotto 11AM 1-9-3 4/3/2014 4,500.00 570 Swertres Lotto 4PM 5-6-0 4/3/2014 4,500.00 464 Swertres Lotto 9PM 5-6-2 4/3/2014 4,500.00 1115 EZ2 Lotto 9PM 06-20 4/3/2014 4,000.00 600 Lotto 6/42 01-36-23-31-03-25 4/3/2014 6,000,000.00 0 EZ2 Lotto 11AM […]
MAGBIBIGAY ng karagdagang kinang ang mga Hall of Famers na sina William “Bogs” Adormado at Fortunato “Atoy” Co, Jr. sa 2014 PBA All-Star Weekend bilang mga playing coaches ng magkahiwalay na koponang maglalaban sa Legends Game mamayang alas-8 ng gabi sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City. Ang Legends Game, na gaganapin sa ikatlong […]
NAGBANTA si Timothy Bradley na magiging mas agresibo siya sa rematch nila ni Manny Pacquiao sa Abril 13 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada, USA. Hindi naman nababahala si Pacquiao sa balitang ito bagkus ay papabor pa aniya sa kanya kung magiging agresibo si Bradley. “If Bradley is more aggressive, it’s good for […]
WASHINGTON — Papasok sa NBA Playoffs ang Washington Wizards sa unang pagkakataon mula 2008. Nasungkit ng Wizards ang Eastern Conference berth kahapon matapos na pabagsakin ang Boston Celtics, 118-92. Nanguna para sa Washington ang sentrong si Marcin Gortat na may 22 puntos habang nag-ambag naman ng 13 puntos at 10 assists ang point guard na […]