WASHINGTON — Papasok sa NBA Playoffs ang Washington Wizards sa unang pagkakataon mula 2008.
Nasungkit ng Wizards ang Eastern Conference berth kahapon matapos na pabagsakin ang Boston Celtics, 118-92.
Nanguna para sa Washington ang sentrong si Marcin Gortat na may 22 puntos habang nag-ambag naman ng 13 puntos at 10 assists ang point guard na si John Wall.
Mula nang kinuha ng Wizards si Wall bilang No. 1 overall pick ng 2012 Rookie Draft ay ngayon pa lang makakapaglaro sa Playoffs ang All-Star point guard.
Si Jared Sullinger ay may 25 puntos at si Rajon Rondo ay may 13 puntos para sa Celtics.
Spurs 111, Warriors 90 Sa San Antonio, kumulekta ng 18 puntos at walong assists si Tony Parker habang si Tim Duncan naman ay may 15 puntos at walong rebounds para ibigay sa San Antonio ang franchise-record 19-game winning streak.
Pigil pa ang mga numero nina Parker at Duncan dahil sa tambakan na iskor at maagang ipinahinga ni Spurs coach Gregg Popovich ang kanyang mga starters sa ikaapat na yugto kung saan lumamang ng 26 puntos ang San Antonio.
Ang Warriors ay pinangunahan ng mga reserve players na sina Marreese Speights na may 22 puntos at Jordan Crawford na may 16 puntos.
Knicks 110, Nets 81 Sa New York, kumulekta ng 24 puntos, walong rebounds at anim na assists si J.R. Smith at si Carmelo Anthony ay may 23 puntos at 10 rebounds para sa New York.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
