PUSPUSAN ang paghahanda sa darating na kampanya ng isang kandidato na tumatakbo sa isang national position. Hindi lamang para sa kanyang pondo kundi sa kanyang physical appearance para nga naman oks pagdating ng kampanyahan. Bukod sa kumuha siya ng personal trainer sa gym, ilang bahagi rin ng kanyang katawan ang ipina-enhance bilang pagpapaganda ng kanyang […]
NAPUNO na ang isang sikat na aktres kaya tuluyan na niyang hiniwalayan ang kanyang “bilmoko” na boyfriend na actor. Sinabi ng ating Cricket na napansin ng magandang aktres na gusto siyang gawing Sugar Mommy ng kanyang BF gayung hindi naman siya ganun katanda. Ayon sa ilang showbiz insider, ang pagiging “bilmoko” rin ni aktor ang […]
ISANG local government official ang third party sa paghihiwalay ng isang aktor at maganda niyang aktres na girlfriend. Hindi po ang aktres ang sinulot ni Mr. Local Official kundi ang aktor. Sa sama ng kanyang loob ay binisto ng aktres ang tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan. Sinabi ng aktres na house and lot ang […]
PINASISIBAK ng mga lider ng mga sindikatong nag-ooperate pa rin sa loob ng Bilibid ang mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor). Halos linggo-linggo kasi ay ginagalugad ng mga tauhan ng BuCor ang loob ng Maximum Security Compound ng Bilibid. Ang resulta, nabubulabog ang kanilang transaksyon dahil pati mga communication gadgets nila ay kumpiskado na […]
MATINDI ang pangangailangan sa pondo ng isang local official na tumatakbo sa isang national position para sa darating na eleksyon. Bukod sa kaliwa’t kanang panliligaw sa mga malalaking negosyante ay gabi-gabi rin siyang laman ng iba’t-ibang mga casino dito sa Metro Manila. Habang hindi pa nagsisimula ang pormal na panahon ng kampanya ay sinusulit ni […]
TOTOO pala ang tsismis. Matindi ang tampuhan sa pagitan ng magpartner na tumatakbo sa mataas na pwesto para sa 2016 elections. Sinabi ng ating Cricket na nasa inner circle ng grupo na humihingi ng sariling pondo itong si Politician 2 kay Politician 1. Ang gusto ni Politician 1 ay pag-isahin ang kanilang mga TV at […]
NAGMAMADALING umalis sa kanilang Christmas party ang isang Ca-binet Secretary. Ang dahilan, napikon sa mga kantyaw kaugnay sa dapat ay ibinigay na bonus sa mga empleyado ng pinamumunuan niyang sangay ng pamahalaan. Ayon sa ating Cricket, habang nagbibigay ng kanyang Christmas message si Mr. Secretary ay may ilang mga tauhan ng kanyang ahensya ang sumigaw […]
HABANG papalapit ang araw ng halalan ay lumalaki ang gastos ng mga kandidato sa 2016 elections. Ito ang dahilan kaya to the rescue ang isang VIP o Very Important Prisoner na kasalukuyang nakakulong sa New Bilibid Prisons (NBP). Sinabi ng ating Cricket sa Bilibid na malaking halaga rin ang donasyon ng nasabing bilanggo sa kanyang […]
TUNAY na malayo na nga ang narating ng bida sa ating kwento ngayong araw na ito, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang kayabangan sa kanyang ulo. Kabilang ang ating subject sa listahan ng Forbes Magazine bilang isa sa mga pinakamayayamamg Pinoy sa kasalukuyan bagama’t hindi naman siya talagang purong Pilipino. Sa isang […]
KAMAKAILAN ay namigay ng maraming stethoscope ang isang kongresista sa mga nurse at midwife sa isang lungsod sa Central Luzon. Beneficiaries ng kanyang project ang mga tauhan ng Rural Health Office sa lungsod na sakop ng kanyang congressional district. Espesyal para sa mambabatas ang nasabing lungsod dahil kandidato roon ang kanyang ma-kwartang mister. Masaya ang […]