Bilyonaryong sukdulan ng yabang | Bandera

Bilyonaryong sukdulan ng yabang

Den Macaranas - December 11, 2015 - 03:00 AM

TUNAY na malayo na nga ang narating ng bida sa ating kwento ngayong araw na ito, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang kayabangan sa kanyang ulo.

Kabilang ang ating subject sa listahan ng Forbes Magazine bilang isa sa mga pinakamayayamamg Pinoy sa kasalukuyan bagama’t hindi naman siya talagang purong Pilipino.

Sa isang gathering ng mga mayayaman kamakailan na ginawa sa isang 5-star hotel sa Makati City ay muling nasaksihan ng ating Cricket ang kayabangan ng bilyonaryong ito.

Ika nga niya sa kanyang sarili, lahat ng gusto niya ay kaya niyang gawin dahil sa kanyang pera.

Kamakailan lang ay nabili niya ang malaking share mula sa isang commercial bank sa bansa.

Ipinagyabang niya sa kanyang mga kausap na sinibak nya ang halos lahat ng mga opisyal ng bangkong iyun ng mag-take over na sa operasyon ang kanyang mga tauhan.

Masyado daw kasing mayayabang ang mga opisyal ng nasabing bangko kaya niya sinibak ang mga ito.
Ipinagmalaki rin ng ating bida sa kanyang mga kausap kung paano niya nalusutan sa pagbabayad ang ating pamahalaan sa mga nakalipas na panahon.

Kung sabagay, mula sa pagiging supplier ng mga gamit na pinggan mula sa China ay sumikat din ang ating bida sa pag-smuggled ng mga manok sa bansa.

Doon nagsimulang yumaman ang ating bida sa smuggling ng manok na ibinebenta dati sa mga palengke sa mga lalawigan.

Mula roon ay nakapagpatayo siya ng iba pang negosyo hanggang sa pasukin na rin niya ang petroleum products at banking industry.

Naging mabilis ang kanyang pag-asenso dahil daw mahusay siyang mag-lagay sa mga kurap na tauhan ng gobyerno.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Imbes na buwis, suhol daw ang kanyang pinapakawalan, cost efficient kaya natural mas malaki ang kita.
Ang business tycoon na nuknukan ng yabang kung saan ay palagi rin niyang ibinibida ang kanyang mga nakaka-date na artista ay si Mr. L…as in Lugaw.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending