ANG Bandera ay tabloid na inililimbag ng Inquirer Publications, Inc. araw-araw sa buong bansa. Meron itong tatlong edisyon – Metro/Luzon, Visayas at Mindanao. Kasalukuyan itong numero unong national tabloid sa Visayas at Mindanao habang, isa sa pinakatinatangkilik na tabloid sa Metro Manila.
Bukod sa patas at walang kinikilingang balita, hitik din ito sa mga balitang sports at showbiz na klik na klik sa mapiling panlasa ng masang mambabasa. Lalo namang hindi ito pahuhuli sa pagbibigay ng buenas mula sa gabay ng kapalaran, at mga update at tips para sa mga mananaya ng lotto at mga karerista.
Katuwang din ng masang mambabasa ang Bandera sa pagtugon sa mga pangangailang pangkalusugan, legal at usaping may kinalaman sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga help columns nito gaya ng Dr. Heal, Aksyon Line, Bantay OCW, Wish ko Give Mo at Ibandera ang Batas.
Bukod sa print edition, and Bandera ay meron ding digital edition maliban pa sa nababasa ninyo sa www.bandera.ph. Masusundan din ito sa Facebook (Inquirer Bandera) at Twitter (banderainquirer).
Ang IPI ay siya ring tagapaglimbag ng Cebu Daily News, na tinaguriang Cebu’s only independent newspaper. Ang IPI ay kaanib sa Inquirer Group na siya namang naglalathala ng pinagkakatiwalaang The Philippine Daily Inquirer.
* * * Publisher: Eileen G. Mangubat Editor in Chief: Dona B. Policar Deputy Editor: Jimmy I. Alcantara Sports Editor: Frederick Nasiad Entertainment Editor: Ervin Santiago
Manila office: MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City, Metro Manila Editorial: (02) 895-7513 • (02) 895-7529 • [email protected] Advertising: (02) 895-1510 •(02) 895-1467 • telefax: (02) 897-3663 Circulation office: Unit F202 Velco Centre Bldg., A.C. Delgado cor. R.S. Oca Sts., South Harbour, Manila • (02) 523-5570 • (02) 516-2113 Subscription Hotline: (02) 890-2351 Mindanao Advertising & Circulation Office: Door-1, Mandaya Arcade, Palma Gil St., Davao City Tel. No: (082) 327-0583