Enchong Dee umamin: Love ko na si PBB housemate Franco!!!
LUMABAS na ng Pinoy Big Brother house ang Kapamilya star na si Enchong Dee. Marami raw siyang natutunan sa loob ng PBB at the same time, marami rin siyang nakilalang mga bagong kaibigan.
Isa na riyan ang housemate na si Franco na maraming itinuro sa kanyang technique sa pagluluto.
“Love ko na si Franco,” sabi ni Enchong noong ininterbyu siya ng mga kapwa niya hosts sa PBB na sina Toni Gonzaga at Robi Domingo.
Ilan sa mga unforgettable moments ni Enchong sa loob ng PBB house ay nu’ng lumabas sa TV ang parents niya na sina Mommy Tess at Daddy Sonny nu’ng send-off nila papasok ng Bahay ni Kuya ang kanilang bunso.
That time naiyak ng konti si Mommy Tess kasi kinabukasan birthday naman ng panganay nilang anak na si AJ Dee. “E, last birthday na ‘yun ni AJ dito kasi magi-stay na siya sa Norway for good.
Doon na kasi ang family ni AJ. Tapos kakaopera pa lang that time ng paa ni Enchong. Inisip ko lang baka mahirapan si Enchong sa loob,” kwento ni Mommy Tess.
Paglabas ni Enchong ng PBB house ay dumiretso na ang aktor sa kanilang bahay sa Horseshoe subdivision. Then, nakapagpahinga naman daw agad si Enchong sa bahay nila.
Excited na ibinalita sa amin ni Mommy Tess na ang next project ni Enchong ay isang indie film na ididirek ni Brillante Mendoza.
Next week daw ay magsisimula nang mag-shooting si Enchong, “Masaya nga siya kasi dream niya talaga na maka-work si Direk Brillantes,” sabi pa ni Mommy Tess.
Noong huli naman naming nakausap si Enchong sinabi niya sa amin na balak niyang mag-record muli para sa kanyang second album. E, baka unahin niya muna ang indie film niya with Direk Brillantes.
In fairness sa first album ni Enchong, u- mabot na ang benta nito sa platinum, huh! Everytime pala na may show sa abroad si Enchong nagdadala siya ng maraming copy at si AJ ang taga-benta niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.