MEDYO kontrobersiyal ngayon si Robin Padilla dala ng maaanghang na komento sa kaniya ng magiging leading lady sana niya sa MMFF 2015 entry na “Nilalang” na si Maria Ozawa, na isang Japanese porn star.
Tinawag nitong “unprofessional” si Robin dahil sa pag-beg off ng aktor sa kanilang MMFF movie dahil nga sa maselan ang kalagayan ng asawa nitong si Mariel Rodriguez. Inilabas ni Maria Ozawa ang kaniyang sama ng loob days before nakunan ulit si Mariel kaya hindi naman puwedeng ikagalit ito ng manager ni Robin na si Betchay Vidanes kay Maria kung ganoon ang naging reaksiyon ng foreign actress.
Betchay lashed back at Maria by calling her “selfish” kaya marami ang nag-react. We understand where Betchay is coming from dahil alaga nga niya si Robin and by all means ay ipagtatanggol niya talaga ito.
Pero hindi naman puwedeng masamain ang si- nabi ni Maria dahil katwiran ng foreign actress, sana raw hindi naman ganoon ang ginawa ni Robin, imagine 10 days before the scheduled shooting saka pa lang siya nagdesisyon na ayaw na niyang gawin ang movie?
Kasi nga, may sarili ring schedules ang banyagang aktres, alam niyo naman ang mga Hapon, very professional ang mga iyan kaya you don’t blame her for that.
Kahit dito naman sa atin we practice that old saying na “the show must go on.” Maraming pagkakataon nang may mga masamang kaganapan sa ibang performers natin pero they don’t cancel their shows.
Worse than the situation ni Robin that time. Sa kasawiang-palad ay nakunan nga ulit si Mariel. Hindi natuloy ang triplets na dinadala niya. Siyempre, we feel for her.
Naawa kami kay Mariel dahil second attempt na nila ito ni Binoe para makabuo pero hindi pa rin nag-work. God’s will kasi iyan. Baka hindi pa talaga panahon.
Now, the more na hindi talaga kayang magawa raw ni Robin ang film dahil in mourning pa silang mag-asawa dala ng sitwasyon.
Sayang talaga – may triplets na sana sila pero wala eh, ganoon talaga ang buhay. Hindi natin hawak ang kapalaran natin.
Well, someone whispered to us na kaya hindi itinuloy ni Robin ang movie dahil co-producer pala siya rito and he doesn’t have enough money para pantustos sa kaniyang share sa production.
Pero kung pag-iisipan ninyo, ilang linggo na si Robin sa Spain, even before he knew that Mariel was pregnant – feeling namin ay plano na talaga ni Robin na hindi na gawin ang MMFF entry dahil dinig namin ay balak na talaga niyang mag-self-exile muna sa Spain dala ng sama ng loob niya sa maraming bagay-bagay sa bansa.
That’s the political aspect of it. Nang malamang buntis si Mariel nu’ng sumunod ito sa Spain, at maselan nga ang pagdadalantao ng asawa ay parang nagkaroon siya ng better excuse para mag-beg off sa project.
From the very start pa lang naman, when he left for Spain, ay parang buo na sa loob ni Binoe na hindi gawin ang project. Sana ay aminin niya ito sa sarili niya.
Huwag nang magpaliguy-ligoy pa. Well, it’s not a very good time to argue with Robin and his camp now dahil sa nangyari sa kanila ni Mariel.
Maybe some other time kapag okey na ang mag-asawa. Alam niyo naman tayong mga Pinoy, very emotional sa ganitong mga pagkakataon.
Kahit tama ang point mo pag nahaluan na ng public sympathy, wala kang panalo. Kahit saan mo pang anggulo dadaanin, right?