BINASAG ng dating Japanese porn star na si Maria Ozawa ang kanyang pananahimik sa kaliwa’t kanang pagbatikos sa kanya ng netizen at paninisi sa kanya ng mga ito na siya ang dahilan kung bakit nakunan ang aktres at TV host na si Mariel Rodriguez, misis ni Robin PAdilla.
“Blaming me for the miscarriage is wrong,” ayon kay Ozawa sa kanyang Instagram account na ipinost Huwebes.
Sa post na may kasamang larawan ni Ozawa na nakasuot ng isang fan-made shirt na may naka-print na larawan niya, samu’t saring pangba-bash ang ginawa ng netizen sa kanya.
Ayon sa mga ito, siya ang dahilan kung bakit nakunan ang misis ni Robin, na sana ay magkakaroon ng triplet na sanggol.
“If you have something to say to me, say it in English so I can understand you,” dagdag ni Ozawa.
Una nang tinawag ng Japanese star si Robin bilang “unprofessional” matapos itong umatras sa nakatakda sana nilang pelikula para sa Metro Manila Film Festival. Kinansela ni Robin ang kanyang commitment 10 araw bago ang nakatakdang shooting.
Ayon kay Robin kailangan niyang umatras para matutukan ang pagbubuntis ng misis.
Martes nang makunan si Mariel sa ikalawang pagkakataon. Una siyang nakunan noong Marso.