SINABI ng Palasyo na kinakarma na si Vice President Jejomar Binay matapos mangulelat ang tanggapan nito sa survey ng Makati Business Club (MBC).
Idinagdag ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) head Secretary Herminio “Sonny” Coloma na nagpapakita lamang na hindi sang-ayon ang MBC sa mga naging banat ni Binay laban sa administrasyon ni Pangulong Aquino.
“The business community indicated their disagreement or dissatisfaction on VP’s actions, including criticisms against the administration in which he served as a Cabinet member for the past five years,” sabi ni Coloma.
Ayon sa isinagawang surveyy ng MBC, ang opisina ni Binay ang siyang worst-performing government agency sa lahat ng 64 ahensiya ng pamahalaan sa ilalim ng Aquino administration.
Sumunod sa nangulelat ay ang Department of Transportation and Communication na dati namang pinamunuan ng ngayon ay Interior and Local Government Secretary Mar Roxas.
Ang DILG na nasa ilalim ngayon ni Roxas ay wala naman sa top 10 best performing agencies.