Horoscope, August 14, 2015

Para sa may kaarawan ngayon: Sa lahat ng zodiac signs, ikaw ang pinaka-masuwerte sa pera. Sobrang gastos ka nga lang kaya madaling nauubos. Magtipid ka o kaya’y mag-asawa ka ng kuripot upang yumaman ka. Mapalad ang 1, 8, 14, 19, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jagat-Guro-Om.” Beige at white ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Tama lang ang ginagawa mo, hindi ka dapat mang-api at hindi ka rin dapat apihin. Sa pinansyal at pag-ibig, kapag may katuwiran ay ipaglaban mo. Sa ganyang paraan, mas lalo kang uunlad at liligaya. Mapalad ang 3, 12, 19, 23, 26, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Avayara-Om.” Pink at purple ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)— Mag-ingat sa kaibigang kulot ang buhok na mangungutang ng malaking halaga at pagkatapos ay hindi magbabayad. Sa pag-ibig, wag pagtangkaang lokohin ang minamahal dahil sa bandang huli ikaw rin ang masasaktan at lolokohin ng kapalaran. Mapalad ang 6, 9, 18, 36, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mori-Om-Moti.” Blue at red ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)— Upang umunlad, ang isa ay dapat maging dalawa at ang dalawa ay dapat maging apat. Sa pormulang multiplication ay mas mabilis kang yayayaman. Sa pag-ibig, hindi naman kailangang doblehin ang kasuyo, isa-isa lang upang lumigaya. Mapalad ang 5, 8, 23, 32, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Regama-Om.” Silver at gray ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)— Wag malungkot, panahon na upang magsaya. Habang papalapit ang “ber months” ay maraming hindi inaasahang suwerte ang matatanggap. Sa pag-ibig, hawahan ng saya ang kasuyong malungkutin upang ang relasyon ay lumigaya. Mapalad ang 1, 7, 16, 28, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Green at violet ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Sa pinansyal, hangga’t hindi ka natutong magtipid ay patuloy kang kakapusin ng salapi. Sa pakikipagrelasyon, hangga’t hindi ka nakikipagbalikan sa isang Aries ay mananatiling zero ang pag-ibig. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ananda-Om.” Yellow at maroon ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Bago simulan ang anomang proyekto, humigop muna ng mainit na kape. Sa ganyang paraan, mas magiging aktibo ang iyong isipan. Sa pag-ibig, ilibre ang kasuyo sa isang coffee shop upang kapwa mag-init ang inyong katawan. Mapalad ang 5, 9, 23, 35, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shari-Dosya-Om.” Blue at red ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Kapag kumita ng malaking halaga, itago mo agad ang kalahati upang makaipon ka. Oohan mo lang lagi ang iyong kasuyo dahil isa rin siya sa nagdadala sa iyo ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 1, 9, 24, 34, 48 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agara-Sandhapa-Om.” Pink at silver ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Sobrang love ka ng iyong kasuyo kaya madalas siyang magselos. Mamayang gabi, romansahin mo siya nang todo upang mawala ang paghihinala. Sa pinansyal, magnegosyo ng kalakal na may kaugnayan sa pagkain. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 37 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Om-Malka-Om.” Red at orange ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Kalimutan na ang nakaraan! Magbagong simula ka ngayon upang kumita ng mas malaking halaga. Sa pag-ibig, bagong karelasyon ang dapat, isang Leo ang magpapaligaya sa iyo. Mapalad ang 9, 15, 24, 27, 35 at 49. Mahiwaga mong manrta: “Om-Ketu-Mandala-Om.” Lilac at blue ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Kaiingitan ka ng iyong mga kaibigan, hindi mo kasi sila pinapansin. Sa isang pagtitipon, imbitahan ang mga kaibigan at isipin mo kung paano sila mapagkakakitaan. Sa pag-ibig, makuntento sa kasuyong Cancer. Mapalad ang 4, 17, 24, 33, 42 at 47, Mahiwaga mong mantra: “Om-Nakiel-Om-Hagiel.” Purple at green ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Hanapin ang isang nilalang na isinilang sa zodiac sign na Leo o kaya’y Libra. Siya ang magpapaligaya sa iyo. Sa pinansyal, hindi pera ang sagot sa kalungkutan kundi ang isang tapat at walang maliw na pakikipagrelasyon. Mapalad ang 1, 4, 10, 28, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Govinda-Dosya-Om.” Red at black ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Isang kaibigan ang mangangailangan ng tulong. Magtago ka! Siya ang kaibigang hindi marunong magbayad ng utang. Sa pag-ibig, wag ipautang ang salapi na ibinibigay ng kasuyo upang hindi kayo mag-away, para ‘yan sa inyong pamilya. Mapalad ang 5, 14, 23, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agiel-Om-Yophiel.” Orange at maroon ang buenas.

Read more...