Kim tinuruang maging ‘kuripot’ ni Xian; magpapatayo na ng mansiyon

XIAXIAN LIM AT  KIM CHIU

XIAXIAN LIM AT KIM CHIU

Magkaibang-magkaiba pala ng ugali ang rumored couple na sina Kim Chiu at Xian Lim. Ito ang inamin nila sa episode ng Kris TV kamakailan.

Unang-una, kung matipid si Xian, medyo magastos naman si Kim, lalo na pagdating sa pagiging kikay.
“Babae kasi – ikaw din Ate (Kris), ‘di ba?” ang mabilis namang sagot ni Kim sa pambubuking ni Xian.

Pero hindi nakasagot si Kris sa komento ni Kim dahil aminado rin siya na isang big spender.

Sey ng TV host-actress kay Kim, “Pero ‘di ba Kim sabi ko sa’yo matuto na tayong maging kuripot,” na sinagot naman ni Kim ng, “Oo nga e, kailangan, tinuturuan naman niya (Xian) ako.”

Sa ngayon ay medyo nagtitipid na raw si Kim dahil nag-iipon na ito para sa ipatatayo niyang mansiyon, at inamin ng dalaga na si Xian ang nag-impluwensiya sa kanya pagdating sa pagtitipid.

“I feel…the need sa kanya, nag-invest ng malaking lupa tapos nagse-save ng nagse-save ngayon para ‘dun sa house na itatayo, influence mo ‘yan,” ang chika naman ni Kris kay Xian.

Nang tanungin naman ni Kris si Xian tungkol sa bonggang regalo nito sa dalaga noong nakaraang Valentine’s Day, (sumakay sa hot air balloon), naisip daw niya ito dahil mahilig sa extreme activities si Kim.

Chika pa ni Kris, “The reason na ang niregalo ni Xian experiences kasi sometimes ‘di ba you cannot correct using words, you have to do it by actions and ang pinaramdam niya sayo hindi ang material na bagay ang importante yung meron kayong experiences together.”

Read more...