Partido bautismo, mismo

HINIHIKAYAT tayo ng Panginoon na huwag pag-usapan ang mga bagay na ikasasama natin. Hindi mamumunga ang isang butil hangga’t hindi ito nahuhulog sa lupa.

Nais ni Jesus na mamunga tayo nang masagana. Mangyayari lamang ito kung mamamatay ang mga hangarin natin na makasarili. Iyan ang pagninilay sa Ebanghelyo (Slm 66:1-3a at 8, 16-17; Dt 34:1-12; Mt 18:15-20) sa ika-19 na linggo ng Karaniwang Panahon.

Inamin ni Grace Llamanzares na siya’y ampon at pulot (hindi Poe-lot, tulad ng nadinig ko sa Barangay

Bangkal, Makati). Pero, iba ang nakasaad sa kanyang partido de bautismo, na siya’y tunay na anak nina FPJ at Susan.

Teka. Mahirap ikuwento ito sa pagong. At ipinanganak siya bago pa man ikinasal ang kanyang mga magulang?

Namatayan lang, magbibise na? Huwag muna. Magtrabaho’t maglingkod ka muna sa taumbayan.

Maraming mahihirap sa Naga, at isa na riyan ay ang pamilya ng nakatebol ko. Gayundin naman si Chiz, na walang pang iniangat na buhay mula sa lusak sa Sorsogon, isa sa pinakamahirap na lalawigan sa bansa.

Babalik na naman ba tayo sa pagkakamali kay BS Aquino, na namatayan din at naging pangulo pa kahit na wala naman siyang nagawa noong kongresista siya’t senador? Ang pagiging pangulo ba ay idinaraan na lang sa awa o pakikidalamhati? Sa pamamahala ni Aquino, ang mahihirap ang kawawa at nagdadalamhati.

Sa magarbong estilo ng pag-iikot ni Ser Roxas, luma na ang taya na gagasta siya ng P3 bilyon hanggang P5 bilyon (ang tatakbong pagka-senador, P500 milyon hanggang P700 milyon). Kung ang kandidato ay LP (Liberal at hindi Lakas Pala), tiyak na paldo ito, may pondo mula sa taumbayan. Huthutan sila at iboto ang iba.

Sa isang lungsod sa Cavite, paldung-paldo ang politiko, na di lang sanggang-dikit kay Aquino, kundi’y himod pa. Nagsimula na siyang mamudmod ng pera. Dahil sa naipong mala- king pera sa pamamagitan ng pagsisipsip, kaya pang mamudmod nito ng pera hanggang Mayo 2016. Huthutan at iboto ang iba.

Politika at kampanya na. Kaya naman ang isang balo ng SAF 44 sa Bulacan ay hindi na umaasa na magkakaroon pa ng katarungan habang ang pangulo ay si Aquino, ang butihing anak nina Ninoy at Cory. Kung mananalo si Roxas, na imposible maliban na lang kung mag-magic ang payaso, hindi rin magkakaroon ng hustisya sa susunod na anim na taon dahil iiral pa rin ang tuwid na daan.

Para sa mga pulis, ang tamang ulat-imbestigasyon ay ang isinagawa ni Heneral Benjamin Magalong at hindi ang ulat ni Grace Poe. Sa ulat ni Magalong, nakita ang paglabag sa chain of command ni Aquino. Para sa PNP, malaking kasalanan ang paglabag sa chain of command. Sa mga PCP, ang ganitong paglabag ay nauuwi pa sa barilan ng pulis sa pulis. Para sa PNPA, ang silent protest, o pananahimik ay mananatili hanggang pangulo pa si Aquino. Pagkatapos ng Mayo 2016, maibubulalas na nila ang nagngangalit na damdamin.

Namumugot na naman ng ulo ang mga Moro. Matagal ko nang sinasabi na isa lang ang may panlaban kontra pamumugot. Tama ang mga pamamaraan ni Bukay (Norberto Manero). Mantaking ginaya ni Obama si Manero nang patayin nito si Osama bin Laden! Kwits.

Biglang naging “para sa bayan” ang tabas ng dila ng mga naghahangad ng panguluhan. Kasinungalingan iyan. Ang totoong tabas ng kanilang dila ay ang kanilang sarili, ang pagiging makasarili. Sa pagninilay at pagsasadiwa sa Ebanghelyo noong Agosto 12, sinlinaw ng tubig ang pinatutungkulan: Poe at Roxas.

MULA sa bayan (0906-5709843): Hindi man tutuloy sa pagkapangulo si Rody Duterte, masaya na rin ako dahil nagulantang niya ang buong Pilipinas at natakot ang basahang mga politiko sa kanya. Ilma ng Bangkerohan …0988

Read more...