Myrtle ayaw nang mag-cosplay, handa nang maghubad

MYRTLE SARROSA

MYRTLE SARROSA

Napapanood tuwing umaga ang dating cosplayer na naging big winner sa Pinoy Big Brother Teen Edition 4 na si Myrtle Sarrosa na ngayon ay pinapakilala bilang isa sa mga Star Magic Angels sa morning show ng ABS-CBN.

Part ng reinvention daw niya ang pagsali sa Star Magic Angels. Gusto na kasing lumayo ni Myrtle sa naging tatak niya sa showbiz as cosplayer.

“Gusto kong ma-establish ang sarili ko who believes na she is beautiful and sexy inside and out,” she explained. Actually it all started when she posed in sexy attire for FHM early this year, kwento ni Mrytle.

Umaasa si Myrtle na sa pagiging isang Star Magic Angels ay maraming pinto sa showbiz ang magbukas para sa kanya.

“Thankful talaga ako kasi I think dito mabi-build up ako. Ito ‘yung opportunity na inaantay ko.

Although, mahal ko pa rin naman ang pagko-cosplay. But for now, I will do cosplay lang sa mga events na kailangan akong mag-cosplay,” pahayag niya.

Ang pagkakaron ng sexy image at pagiging mature sa paningin ng publiko ang nakikita ni Myrtle na magpapaangat ng kanyang career sa showbiz.

Bukod kay Myrtlle, ang iba pang Star Magic Angels ay sina Karen Reyes, Francesca Floirendo, Hanna Ledesma, Shey Bustamante, Jed Montero, Aiko Climaco, Loren Burgos and Yanna Asistio.

“Hindi kami magpapakita ng too much skin. Meron mas classy pa rin, respectful pa rin. Kami ‘yung type na puwedeng i-admire not only by men but also by women,” say pa niya.

Read more...