Pinagpistahan sa isang umpukan ang malaking pagkakaiba nina Sharon Cuneta at Kris Aquino sa pag-aalaga at pagpapahalaga sa kanilang mga sarili. Pareho lang silang milyonarya na may sobra pa sa sapat na puwedeng ipambayad sa ospital.
Pagpansin ng isang source sa umpukan, “Si Sharon, marami nang nararamdaman, e, deadma pa rin.
Wala siyang pakialam, hindi pa rin siya magpapaospital. Instead, magse-self medicate lang siya!
“Madalas siyang may ubo, pero balewala lang sa kanya ‘yun. Magtatrabaho pa rin siya, wala siyang pakialam sa nararamdaman niya,” kuwento ng impormante.
Pagkukumpara naman ng isang source sa grupo, “Du’n naman sila magkaiba ni Kris, may makita lang siyang dalawa o tatlong pantal sa braso niya, allergy na para sa kanya ang ganu’n. Go na agad siya sa ospital!
“Uubuhin lang siya nang konti, nagpapadoktor na siya agad, injection na kaagad ang solusyon du’n, dahil hindi siya puwedeng magpabaya. Ang dami-dami niyang work.
“Meron siyang mga TV show, meron pa siyang TVC shoot, marami pa siyang kompromisong kailangang tuparin, kaya doktor agad at ospital ang takbuhan ni Tetay!
“Parang OA lang, pero tama naman ang ginagawa ni Kris. Kailangan niyang unahin ang katawan niya bago ang ibang bagay. Du’n sila magkaiba ni Sharon, tamad ‘yun, ayaw nagpapaospital!” pagpapatotoo pa ng source na parehong nakatrabaho na nu’n sina Sharon at Kris.
‘Yun na!