Ejay umaming nagde-date sila ni Ellen

EJAY FALCON AT ELLEN ADARNA

EJAY FALCON AT ELLEN ADARNA

SA wakas, umamin din ang Kapamilya hunk actor na si Ejay Falcon na talagang lumalabas sila ng sexy star na si Ellen Adarna.

Marahil ay napilitan nang magsalita ni Ejay sa tunay na estado ng relasyon nila ng kanyang leading lady sa Primetime Bida seryeng Pasion de Amor matapos kumalat sa social media ang ilang litrato nila ni Ellen na magkasama sa ilang events.

“Lumalabas naman po kami. Pero dating, hindi ko pa (masabi). Basta lumalabas po kami,” ang pag-amin ni Ejay.

Ayon pa sa binata, hindi pa naman ganu’n kaseryoso kung anuman ang meron sa kanila ni Ellen, “Kung date nilang masasabi ‘yun, eh di ‘yun. Basta ano lang, lumalabas kami.”

Inamin din ni Ejay na si Ellen ang pinaka-close na girl sa buhay niya ngayon, “Siya ang pinakamalapit na tao sa akin ngayon na babae. Pinakamalapit na babae sa akin si Ellen.”

Natutuwa naman ang hunk actor dahil puro magagandang komento ang nababasa niya sa social media patungkol sa tambalan nila ni Ellen sa Pasion de Amor at marami rin ang nagsasabi na sana raw ay maging sila na sa tunay na buhay.

“Nagpapasalamat ako sa mga taong ‘yung wini-wish lang nila ay maging masaya ako,” ani Ejay.

Read more...