Ang BF na ba ang mapapangasawa? (2)

Sulat mula kay Eva ng Buso, Mati City, Davao Oriental

Problema:

1. Two years na kami ng boyfriend ko kaya naisipan kong sumangguni sa inyo. Ang kasalukuyan ko na bang boyfriend ang aking makakatuluyan kasi madalas na may nangyayari na sa amin?

2. Kung kami ang magkakatuluyan, magiging maligaya naman kaya at magiging maunlad ang aming buhay kapag may sarili na kaming pamilya? At kung maisipan na naming magpakasal, ano kaya ang suwerte naming kulay, lalo na sa araw ng aming kasal? November 2, 1991 ang birthday ko at July 16, 1990 naman ang boyfriend ko?

Umaasa,
Eva ng Mati City, Davao Oriental
Solusyon/Analysis:
Astrology:

Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 2.) at Cancer naman ang boyfriend mo ang nagsasabing sadyang tugma at compatible talaga kayo. Ang Cancer at Scorpio ay kapwa pinangingibabawan ng elementong water o tubig at sa sandaling nagkatuluyan kayo ay itatala ang isang masagana at maligayang samahan habang buhay.
Numerology:

Bukod sa Astrology o zodiac sign, tugma rin ang inyong mga numero dahil ang birth date mong 2 at 16 naman ang boyfriend mo ay kapwa pinaghaharian ng planetang Neptune-Moon. Nangangahulugan ito na kapag kayo ay nagkatuluyan, mananatiling matatag at romantiko ang inyong pagmamahalan.

Luscher Color Test:

Mapalad naman ang kulay na dilaw at berde bilang motif o opisyal na kulay sa araw ng inyong kasal at ganoon din sa mga gamit ninyo kapag nagkaroon na kayo ng sariling bahay. Ang kulay na dilaw at berde ay puwede ring ipintura o gawing kurtina sa inyong itatayong bahay upang laging manahan ang suwerte at magandang kapalaran sa inyong pamilya.

Huling payo at paalala:

Eva, ayon sa iyong kapalaran, walang duda na ang kasalukuyan mong boyfriend ang iyong makakatuluyan. Pero kahit na ganoon, hindi naman lisensya ang pag-aanalisang ito upang lagi ka na lang bumigay sa bawat hiling na sex ng boyfriend mo. Sa halip, mas mainam kung iingatan mo pa rin ang iyong pagkababae at hintayin ninyo na munang makasal kayo sa susunod na taon sa buwan ng Mayo. Hindi kayo dapat nagmamadali at palaging mahilig upang mas makatiyak ng isang masagana, maligaya at pang habang buhay ng pagpapamilya.

Read more...