Michael Pangilinan di nagpalamon sa akting ni Edgar Allan Guzman

MICHAEL PANGILINAN AT EDGAR ALLAN GUZMAN

MICHAEL PANGILINAN AT EDGAR ALLAN GUZMAN

HINDI ako maka-get over nu’ng ma-preview ko finally ang pelikulang “Pare, Mahal Mo Raw Ako?” ako starring Edgar Allan Guzman and my baby Michael Pangilinan with the very special participation of Ms. Nora Aunor, sa office ni Direk Joven Tan.

Pinanood namin nina Direk and anakan-anakang naming si Dominic Rea ang buong pelikula na kahit kulang pa ng konting musika (nasa finishing stage na actually) and no biases, napakaganda ng pagkagawa nito. Ang galing nilang lahat sa movie – hindi ko akalaing makakasabay si Michael sa husay ng pag-arte ni Edgar Allan Guzman who played the gay part.

Hula ko, Edgar Allan will romp off many major acting awards next year in this film. Napaka-natural ng portrayal niya of a scorned gay na in love sa kaniyang best friend. Napakatotoo ng pagganap niya, hindi put on considering in real life ay barako ito. Kaya mas naging masarap panoorin ang katulad niyang mahusay na aktor na gumaganap na bading kasi nga wala kang kaduda-duda sa kasarian. Aktor lang talaga.

Ang husay din nina Joross Gamboa, Matt Evans (hanep sa pagpapatawa ang dalawang ito), Katrina Legaspi (si Hopia ng dating Goin’ Bulilit who plays the love interest ni Michael), Gandang Lalaki ng It’s Showtime grand winner na si Nikko Seagal, Miggy Campbell na naka-partner ni Michael sa music video ng “Pare, Mahal Mo Raw Ako” and Ms. Ana Capri na kahit maigsi lang ang role as Nora Aunor’s girlfriend ay dama mo ang presence.

Siguradong papatok ito sa takilya dahil walang pretensiyon ang pagkakadirek at pagkakasulat ng screenplay. Ganda ng mga dialogues, komiks na komiks ang dating and very realistic. I am very proud to be a part of this production – hindi ko akalaing maganda ang kalalabasan ng said film. I am not kidding.

Cute at nakakaiyak ang movie – punumpuno ng puso and balanse pati ang humor na sangkap dito. Hindi lang siya pam-bading crowd, it’s a MUST-SEE for everyone –LGBT community and straight boys and girls. Panalo sa lahat, walang tapon. Lahat ng artista may highlight.

Ganda ng linya ni Edgar Allan sa ending na, “Wala naman talagang forever eh, pero sa pag-ibig, wala naman sanang gender.” Walang kabastusan ang movie kahit may suggestive echos sa portion ni Nikko Seagal with a transgender sa beach. Nakakakilig actually ang ibang eksena pero more on realism sa relasyon ng dalawang mag-best friends na nagkataon lang na yung isa ay bading.

Abangan ninyo ito once na ipalabas na sa mga sinehan, indie na mainstream ang dating. Lalabas ka sa sinehang nakangiti. Believe me!!! Ha-hahaha! Alam niyo naman ako, pag chaka ang movie, hindi ko talaga ipo-promote nang bongga. Kung malditahan lang, talagang magmamaldita ako, kaso maganda talaga, eh. Hindi man pang-Oscars pero may laban sa ganda. Glossy ang texture, very simple pero appealing. Basta! Congrats everyone!

Read more...